The whole month I became so busy. I rarely talk to Eero because of it. Nakakalimutan ko na rin ang mag skincare sa gabi dahil kailangan mag puyat.
Buong month ay gano'n ang nangyayari sa akin. Sabayan pa ng finals.
Minsan iiyak nalang ako tapos tutuloy ulit. Pati sa thesis ay pinagtuonan ko talaga ng pansin pero hindi pa rin ako tapos.
Iniisip ko nalang na matatapos din 'to. It'll be worth it for sure.
I am currently fixing my stuffs. Sobrang nagulo kasi. Halos wala na akong oras para sa ibang bagay dahil mag d-design ako ng menu card at mag e-edit ng cooking video.
May iba rin kaming subject requirements kaya halos maghalo-halo na ang mga iyon sa utak ko. Buti nalang ay may notes ako.
I still need to go to school para ipasa ang iba kong activity. Sakto naman siya sa deadline. Sa katunayan, mas maaga kong pinasa ang iba.
Papasok ako kahit sumasakit ang ulo ko. Kagabi pa ito sumasakit. Sumuka na nga ako kaninang umaga, e.
I'm stressed pero kailangan kong ayusin ito at hindi puwedeng tatamad tamad. Kaonti lang din ang kinain ko dahil ayaw kong mahuli sa klase.
I've been feeling sick these past few days pero inisip kong dahil lang sa maraming iniisip iyon. Ayaw ko namang indahin iyon at i-baby ang sarili dahil baka lumala pa.
Halos tumakbo na ako papunta sa building namin. Hingal na hingal ako nang makarating. Buti nalang ay bumili ako ng tubig sa labas.
"Amory!" I heard Cyprian. Dumiretso na ako sa upuan namin at tinanggal ang bag sa balikat ko. Kitang kita ko na hindi na rin natutuwa si Cyprian sa mga ginagawa namin. May eyebags na siya at may kaonting pimples sa mukha.
"Natapos mo ba?" him pertaining to our requirement that is due today. Tumango ako sa kaniya at hinilot ang sentido. Naubos ko agad ang mineral water ko.
Nakita ko naman siyang kinakalkal ang kaniyang bag.
"Kumain ka ba? Ito sandwich, oh." sabi niya at iniabot sa akin ang sandwich niya. Batid kong gawa ito ng Mommy niya dahil may dinala na rin siyang gano'n dati sabi nga niyang Mommy niya ang gumawa.
Ngumiti ako sa kaniya, "Salamat." and took the sandwich from him.
Sa buong klase ay halos matulog na ako nang tuluyan. Pumipikit nang kusa ang mga mata ko. Hindi na nga rin mabilang kung ilang beses ako humikab. Ang iba naming subject ay nagbigay na rin kaya napasabunot ako sa sarili. Pagod na pagod na ako.
Noong break ay agad na kaming nag tungo sa cafeteria. Kanina ko pa talaga iniinda ang sakit ng ulo ko. Hindi na ako natutuwa.
Ang ayaw ko talaga ay 'yong sumasakit ang ulo. Pakiramdam ko kasi ay buong katawan ko na ang sumasakit.
"Hoy! May carbonara! Ayon nalang ba bilhin natin? Ako na bibili." si Ace.
Ewan ko pero iniisip ko palang ang carbonara parang babaliktad na ang sikmura ko, "Ayaw ko no'n. Iba nalang."
Kumunot ang noo ni Ace pero agad ding tumango. Tumayo na siya pero may binulong pa sa sarili kahit narinig ko naman.
"Paborito niya kaya 'yon..."
Oo paborito ko ang carbonara. Kahit ako ay hindi maintindihan ang sarili. Basta ayaw ko no'n ngayon.
Bumuntong hininga ako at sinulyapan ang cellphone ko. Tinitigan ko ang huling mensahe ni Eero.
Eero : You can do it, baby. Sorry I can't come.
Tumatawag din siya minsan pero halata mo sa kaniya ang pagod kaya ako na ang nag sasabihing ibaba niya na ang tawag.
BINABASA MO ANG
To Capture His Heart
RomanceShe and her bestfriend came up with a plan... and that is to capture his heart. Language : Filipino, English