Chapter 6

4.9K 187 52
                                    

My eyes widened when I realized the person who called me was Eero!

"Amory." tawag niyang muli sa akin. Unti-unti kaming lumapit ni Cyprian sa kaniya.

Anong ginagawa niya rito?

Nanatili ang titig niya sa akin at inilipat iyon saglit kay Cyprian. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya.

It's been a week since I last saw him. He's still as handsome. 'Di ko alam kung bakit tuwing nandiyan siya, labis ang kabang nararamdaman ko. May sakit na ata ako. O baka may phobia ako sa mga babaero?

"Anong ginagawa mo rito?"

Umayos ng tayo si Eero dahil sa tanong ko. Ramdam ko rin ang pagkailang ni Cyprian sa tabi ko.

"Sinusundo ka." sabi niya na parang sinasabi niya ring, 'obviously.'

Wala naman kaming usapan kaya sobra sobra ang pagkalito ko. Ano bang trip nito?

"Just get in."

Masyado siyang pala-desisyon. Gustong gusto ko mairita sa kaniya pero naalala ko bigla 'yong plano. Bwiset na Ace 'yon! Bakit ba ako pumayag sa kaniya?!

"Uh Cy. Una na ako."

Ngumiti naman si Cyprian at ginulo ang buhok ko, "Mag-iingat ka, Amory." agad ko namang sinuklian ang kaniyang ngiti. Kumaway na siya at nagsimulang maglakad palayo.

Ramdam ko pa rin ang titig ni Eero sa amin kaya binalingan ko siya ng tingin. His brows are still furrowed. Tinaasan ko siya ng kilay pero parang wala siyang pakialam at nilabanan ang titig ko.

"Saan naman tayo pupunta?"

"You'll know later." aniya at pinagbuksan ako ng pinto. Wala akong nagawa kundi pumasok sa loob dahil ayaw ko rin naman siyang mapahiya.

Buong byahe ay puro Ne-Yo songs nanaman ang naririnig ko. Unti-unti na ring nawawala ang hiya ko kaya mahina akong kumakanta.

"And I'm so sick of love songs... So tired of tears... So done with wishing you were still here..." mahinang kanta ko at marahang tinatap ang aking hita. I heard Eero's chuckle.

"Sorry." paghingi ko ng paumanhin at tinuptop ang mga labi. Baka isipin niyang close na kami.

He smirked and glanced at me for a second, "Okay lang. You're just very different from the first time we met."

Tama nga naman siya roon. Halos hindi ko siya lingunin nung una kaming nagkasama sa kotse. You can't blame me. I barely know him!

"Nakakahiya kasi. Nagulat ako when you suddenly offered me a ride. I heard a lot about you and you're not like... uhm... like that."

He's playing with his lips again. He looks so hot driving. He's only wearing a gray tshirt and black maong pants. So damn bagay!

"You heard a lot about me, huh?"

"Oo. Playboy ka raw." kunwaring walang pakialam kong sagot sa kaniya at tumingin sa labas. Pinagmasdan ko ang mga building na nadaraanan namin.

He scoffed, "Playboy? I'm not a playboy, Amory. That's for teenagers. Saan mo naman 'yan nakuha?"

Ang pagiging babaero ay walang pinipiling edad, Mr. Salazar. Napairap ako sa isinagot niyang iyon. So, porket hindi na siya teen ay hindi na applicable iyon sa kaniya?

Napaisip naman ako. Sa totoo lang, sa akin naman talaga nanggaling 'yon. Halata naman kasi! O judgemental lang ako?

"Sa akin lang. Napansin ko lang." kibit balikat kong sagot.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon