Prologue

18.2K 349 86
                                    

The cold air touched my skin. It made me shiver so I quickly pulled my comforter to feel warm. I ignored the irritating sound from someone until I heard a scream.

I immediately got up looking like a mad lion. Kinabahan man ay agad ding nakabawi at sinamaan ng tingin si Solstice who literally ruined someone else's sleep!

Humiwalay ako ng tirahan mula sa mga magulang ko dahil gusto kong maging indepedent. Besides, mas malapit ito sa university na pinapasukan ko. Kaso, itong nuknukan ng kaabnormalan na bestfriend ko ay ayaw mahiwalay sa akin. Kaya heto ako ngayon, 'di makatakas sa mga kaartehan niya sa buhay.

"Ano ba?!" Iritang sambit ko sa kaharap ko. Kanina pa siya iyak nang iyak at hindi na ako natutuwa.

I am currently fixing my messy hair dahil 'di ko na natiis ang matinis na iyak niya.

"Kasi naman, e! Badtrip!" sabi niya habang pumapasag-pasag na akala mo'y isang isda sa palengke. Nakadress siya at naka black stilettos. Obvious naman na she went out. I didn't even know na umalis siya kagabi dahil sobra akong napagod sa school works.

I am taking up Culinary Arts and I'm currently in my fourth year. Kaunting buwan na lang ay makaka graduate na rin ako.

I looked at the clock and I saw that it's already 3 in the morning. Ano nanaman bang problema nito?

Tumayo ako mula sa kama at tinabihan siya sa sofa ng aking silid. Solstice or Ace for short, has a long black hair. Ibang iba sa akin na brown ang natural na kulay at umaalon ng bahagya sa dulo. Bagay na bagay siya bilang modelo. She is definitely a head turner but I won't say that to her. Dahil bukod sa lalaki ang kaniyang ulo, maririnig ko nanaman ang "Alam ko naman!" na line mula sa kaniya.

Kanina pa siya nagmamaktol sa akin mula sa pagtabi ko sa kaniya pero wala talaga akong naintindihan dahil kagigising ko lang.

Sinulyapan ko si Ace at nakita ko ang nakakalat na mascara at eyeshadow sa kaniyang mukha. Kanina pa kasi siya pahid nang pahid.

Tumayo ako sa saglit at kumuha ng tissue. Hinablot ko ang kaniyang panga para punasan ang mukha niya.

Halos mabura na ito sa sobrang diin ko sa pagpunas. Patuloy pa rin siya sa pag iyak. Akala ata niya ay napakasarap sa pandinig ng kaniyang mga iyak.

Kinurot naman niya ako at nagreklamo kaya inayos ko na ang pagpunas sa kaniyang mukha.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko na akala mo'y malaking tulong dahil mas lalo lang siyang umiyak at humiyaw.

"Ano ka ba Amore?! Paulit-ulit ka, a! Kanina pa ako nag k-kuwento rito tapos 'di ka pala nakikinig?!" sigaw niya at hinampas hampas pa ako sa braso. Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy lang sa pagpupunas.

She's so loud. Hindi ko nga alam kung paano ko siya natagalan. She's a good friend, though. That's one of the reasons why.

Dahil sa kaharutan niya ay 'di na maayos ang kaniyang upo at kung nasa harap ka niya ay kitang kita mo na ang panloob niya. Inis kong tinapik ang kaniyang hita kahit kaming dalawa lang ang nandito. Napanguso naman siya dahil doon at umayos ng upo.

Kahit ganiyan siya ay maraming nagkakagusto riyan. Masyado lang maselan kaya hanggang ngayon ay walang boyfriend. As if namang may boyfriend ako ngayon?

Hinihintay ko kung may idadagdag siya sa kaniyang sasabihin ngunit nanatili siyang tahimik na lumuluha.

"Buwiset na Eero'ng iyon! Akala niya ata siya lang lalaki sa mundo!" she murmured.

Kumunot naman ang noo ko. Sinong Eero? Parang ngayon ko lang narinig ang pangalang 'yon. Baka nakilala ni Ace sa bar na palagi niyang pinupuntahan.

Nagulat ako nang biglang sabunutan ni Ace ang sarili. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

"Nakakahiya!"

"Hoy Solstice Rae Lopez! Tigilan mo nga 'yan. Pag ako nairita sayo sisipain kita palabas!" sigaw ko sa kaniya at hinila ang kamay niya. Ngumuso naman siya at nanahimik.

"Wow Zaraiah Amory Celeste. Full name pa, a?" nakataas ang kilay na baling niya sa akin. Mas kalmado na siya kumpara kanina.

Inirapan ko siya at pinilit na maging kalmado. Bumuntong hininga ako at tinapon ang tissue sa basurahan.

"Explain mo na. Ulit." tipid na sabi ko. Iniangat ko pa ang mga paa ko para maging komportable sa puwesto.

Umayos naman siya ng upo at hinawakan ang kamay ko.

"Basta kahit anong sabihin ko sayo tandaan mong mahal kita beh!" madramang sambit niya na hindi ko naman naintindihan. Kaya tiningnan ko siya nang nakakunot ang noo.

Ano namang connect ng sasabihin niya sa pagmamahal niya sa akin bilang kaibigan? Magulo talaga utak nito, e. Hindi ko nalang siya sinagot.

"Si Eero kasi. Ipinahiya ba naman ako kanina sa TR. Gagong 'yon! Pasalamat siya guwapo siya."

Ayan nanamang Eero 'yan. Sino ba kasi 'yon?

"Oh sino naman 'yon?" walang gana kong tanong sa kanya sabay hikab. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata at napanganga. Ganiyan siya ka-OA.

"'Di mo kilala 'yon Amore? Grabe saan ka ba galing? Ayos ka pa ba?"

E sa hindi ko kilala, e. Kailangan ba kilala ko lahat ng tao? Hindi naman kase ako maalam sa paligid ko. Artista ba 'yon? Hindi ko siya sinagot at umirap sa kawalan dahil obvious namang 'di ko kilala. Nanatili siyang tahimik. Sa sobrang antok ko ay isinandal ko ang aking ulo sa sandalan ng couch at pumikit.

"Ex ko 'yon."

Napadilat ako at napatitig sa kanya. In fairness, may pumatol pa pala sa babaitang ito. Akala ko talaga maselan siya. Nanatili ang aking titig sa kaniya.

"Nakita ko siyang may kasamang babae kanina. Pakshet siya. Sinabi pa niyang 'I don't even know you.' tinawanan tuloy ako ng mga nakarinig. Nakakainis!" at nag simula nanaman siyang sabunutan ang sarili.

Parang nagising ang diwa ko dahil sa sinabi niya. Ano kamo?! Napahiya siya dahil sa kung sinong lalaki?! I mean, ex niya pero kahit na!

"Sigurado ka ba riyan Ace?" tanong ko sa kanya dahil 'di ako naniniwalang may ex siya. Puro lang siya crush at napakadami pa. Basta't pogi isinasama na niya sa "crush list" niya. Tsk.

Kumurap-kurap siya at tumingin kung saan saan.

"Uh oo naman!" iwas tingin niyang sabi at nagsimula nanaman siyang umiyak. Hinagod ko ang kaniyang likod hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

"Ako ang bahala." mahinang sambit ko. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling iyon pero alam kong 'di siya masyadong umiiyak. Hindi iyan iyakin. Kaya alam kong nasaktan talaga siya sa ginawa ng lalaking 'yon.

Napaangat naman ang tingin niya sa akin. May mga luha pa siya sa mata. Nginitian ko siya at pinunasan ang luha.

"Sure ka ba riyan, Amore? Kasi may plano na ako. Walang bawian!" Nakangising sabi niya sabay hawak sa balikat ko.

May plano na siya agad? E wala naman siyang ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak kanina, a? Bilis talaga ng utak nito, e.

Wala naman akong nagawa kundi ang tumango dahilan ng paglapad lalo ng kaniyang ngisi.

And little did I know, that decision changed my life forever...

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon