Chapter 16

4.5K 141 79
                                    

He looked so shocked. Muntik pa akong matawa pero pinigilan ko iyon. Nakaramdam din ako ng kaonting hiya pero ayaw ko nang nakikita siyang malungkot. Iniabot ko sa kaniya ang bag ng bread. Wala sa sarili niya itong tinanggap.

"Good night. Drive safe." sabi ko sa nakatulala pa ring si Eero ata agad tumalikod. I am panicking inside. Kahit sa pag pindot ng up button sa elevator ay nanginginig pa ako.

I was so embarrassed. Nadala lang ako ng emosyon. Ayon lang 'yon. Hindi na 'yon mauulit pa.

Hindi ko na ulit nilingon si Eero habang nag hihintay ako ng elevator. Sobrang nakakahiya!

I kinda felt relieved when I saw the elevator door opened. Agad akong pumasok sa loob at bago pa sumara ang pinto ay nakita ko si Eero sa labas. He smiled at me, still clutching the bag of bread.

Hanggang sa pag pasok sa loob ng condo ay kinakabahan pa rin ako. Napahinto lang ako nang makitang dim ang mga ilaw sa buong sala.

I was taken aback when I saw Ace walking towards me with a cake. A messy one. It was a chocolate cake at may nakalagay pa roong 'sorry'. May kandila pa nga. Akala ko tuloy ay birthday ko.

Ace really hates cooking. Hindi raw talaga para sa kaniya ang mga ganoon and seeing her bake a cake as an apology, I would forgive her immediately.

"Amore sorry na! Hindi ako sanay nang hindi ka dinadaldal!" she cried. I notice Ethan beside her kaya bahagya pa akong nagulat pero agad ko ring binalik ang tingin ko kay Ace.

She's crying so loud. Mahihiya na sana ako pero kaonti lang kami sa floor na 'to at layo-layo pa. Nginiwian ko siya.

Ibinigay niya sa'kin ang cake at niyakap niya ako. I hugged her back. Sobrang na-miss ko siya dahil ilang araw ko talaga siyang hindi pinansin.

Humiwalay siya sa yakap, "Gawa ko 'yan!" Ace pertaining to the chocolate cake. Alam ko. Halata sa frosting na makalat. I smiled at her.

Inisip ko na 'to noong mga nakaraang araw. Naisip ko na hindi niya lang siguro matanggap na mag-isa lang ako. Porket masaya ang lovelife niya ay dapat din ba ganoon din ako? At the end of the day, she's my best friend. I don't want to lose her dahil lang ma-pride ako.

Hinding hindi ko rin pinagsisihan na nakilala ko si Eero. Pinagsisihan ko lang 'yong plano namin.

"Hipan mo muna 'yong candle!" Ace exclaimed. I laughed and immediately blew the candle.

"Birthday ko ba?" I joked. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Hindi ko na iyon pinansin pa at pumunta nalang sa kusina para ilagay ang cake sa countertop.

We decided to spend the night together. Kaming tatlo. Slumber party! Tutal ay marami rin kaming pag-uusapan.

Napag desisyonan kong magluto ng fried chicken, fries, and mac cheese. Wala lang.

"Na-miss ko 'yong luto mo Amore! Umay na umay na ako sa Mcdo'ng dinadala nitong si Ethan." reklamo ni Ace habang pinapanood akong mag prito. Tumawa ako nang malakas nang makita kong sumama ang mukha ni Ethan.

"Wow ha. Parang 'di ka umiyak sa'kin noong nakaraan dahil gusto mo kamo ng crispy chicken sandwich?" pamb-bwiset ni Ethan sa girlfriend niya.

Tumalikod na ako para tignan ang niluluto kong manok. Mga bwiset. Sa harap ko pa talaga nag harutan. Ang sarap ingudngod sa mantika ng mga ito.

Nang matapos iluto lahat ay nilagay na ni Ethan ang mga pagkain sa sala. Doon na raw dahil manonood kami ng movie. Kumuha na rin ako ng mga untensils para sa aming tatlo.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon