Chapter 18

4.5K 152 64
                                    

"I love you, too..." pilit na pinalalakas ang loob kong sabi. Sa sobrang hiya ay halos pabulong nalang iyon.

Siyempre, hindi nakatakas kay Eero ay sinabi ko.

Nanlaki ang mata niya at hindi nakapag salita nang matagal. Nagtaka naman ako sa reaksyon niya.

"Oh akala ko ba alam mo na?"

"Iba pa rin kapag sayo ko mismo narinig. It sounds so weird coming from me pero kinilig ako." natatawa niyang usal. Natawa ako nang makita ang namumula niyang pisngi.

Sa sobrang liwanag dito ay kitang kita ko ang gwapo niyang mukha. Ano kaya ang skincare niya?

Akala ko ay hindi uso sa isang Eero Salazar ang kiligin. He's really cute.

Sinimulan kong i-kwento lahat ng tungkol sa plano namin ni Ace. Mula umpisa. Hindi ko alam pero tawa siya nang tawa kahit wala namang nakakatawa.

"Seriously, I'm sorry. Nainis lang kasi ako noong sinabi iyon ni Ace tapos umiiyak pa siya. Akala ko totoo 'yon." I said as my laugh faded. He smiled at me and put his arms around me. Hinaplos niya ang balikat ko which made me shiver.

"It's okay, baby." he assured me.

Ngumuso ako at tumango sa kaniya nang nakaiwas ang tingin. Kanina pa ako may iniisip pero nakakahiyang sabihin.

"Tigilan mo na ang panliligaw." lakas loob kong sabi pagkatapos kong ibalik ang tingin sa kaniya.

Tumigil siya sa paghaplos sa balikat ko at tinignan ako nang mariin.

I sighed, "Ayoko na ng ligaw ligaw. Gusto natin ang isa't isa. Bakit pa natin papatagalin? Tsaka ano tayo teenager?"

Gulat siyang tumingin sa'kin, "Are you serious?"

"Mukha ba akong nakikipagbiruan sayo?" napipikon kong sabi.

He chuckled and kissed my temple. Halos maglupasay ako sa sobrang kilig. Gabing gabi ang harot namin!

Tumango siya, "Kahit girlfriend na kita, ipaparamdam ko pa rin sayo ang panliligaw. Courtship is not just for teens, baby."

Hindi ko akalaing kikiligin ako sa isang cliché na line. What the freak Eero?!

Sobrang lapad na ng ngiti ko. I faced him and kissed his cheeks. I'm in love with this guy.

"My girlfriend loves cheeks kisses, huh?" he smirked. Feel na feel naman niya ang 'girlfriend'.

"Medyo lang naman." I laughed.

"You might want to try kissing my lips next." he joked. Ngumuso pa siya. Parang siraulo lang.

"Asa ka naman!" singhal ko sa kaniya kaya tumawa siya.

Tinitigan ko ang mukha niya. Now that he's my boyfriend, gagawin ko na ang gusto ko. Matagal ko na talagang gustong gawin ito sa kaniya mula pa noong una naming pagkikita.

I brushed his hair using my fingers. Iyon talaga ang pangarap ko. I giggled and did the same thing for a minute. Mukhang wala namang kaso iyon sa kaniya. He even leaned closer para maabot ko nang maayos ang buhok niya. Hinding hindi ako mag sasawang gawin sa kaniya 'to.

Nang makuntento ako ay sumandal ako sa kaniya. We remained silent. I took that chance to sink everything in.

"Hindi ko akalaing magiging boyfriend kita." bigla kong nasabi. Tumingin naman siya sa'kin na parang nagtataka.

"Akala ko ba iyon ang plano mo?"

I crunched my nose, "Oo nga pero hindi ko naman iyon sineryoso." sabi ko na ikinatawa niya.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon