Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I covered my face with the comforter pero nahirapan akong hatakin iyon dahil may nakadagan.
"Mama, wake up!" Emory said at hinila pa ang comforter.
"5 minutes, Love. Let Mama sleep." inaantok kong sambit at hinila pabalik sa akin ang comforter.
"But Mama! The café needs you already and we have a visitor po!"
Doon na ako napadilat. May pasok pala ako ngayon! At anong sinasabi ng anak ko na may bisita raw? Sino naman?
Napabalikwas ako at nakita ko si Emory na tumatawa.
"Tinatawanan mo na si Mama, a?" nakangiting sabi ko at hinila siya palapit sa akin para punuin ng halik. Binalot ng tawa niya ang buong kwarto.
"You're so mabango! Did you already took a bath?" I asked.
He nodded energetically, "Yes po! Papa and I took a swim earlier."
I pinched his cheeks, "Where's your Papa?"
"In the kitchen po. He's cooking."
Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Dito pala ako natulog? Ang huli ko lang na natatandaan ay 'yong kumakanta si Eero kagabi.
"Hurry up, Mama! Lolo and Lola are here!" Emory said and pulled my shirt gently.
Lolo and Lola? Eero's parents?
Iniwan ko muna si Emory sa kama at dali-dalin nag ayos ng sarili. Nag toothbrush ako at nag hilamos ng mukha. Pati ang buhok ko ay sinuklay ko.
Nang matapos ako ay agad kong kinarga si Emory.
Pagkalabas ay rinig ko agad ang boses ni Tita Jian mula sa kusina, "Ayan kasi bobo ka, anak. Dapat binantayan mo. E 'di sana mas maaga kong nakilala ang apo ko! Nakakairita ka talaga!"
"Manhid 'yang anak mo, e." si Tito Benj naman ang narinig ko bago pa kami tuluyang makapunta sa kusina. I even heard Eero chuckled.
"Oh my Gosh, my dear Amory! Maingay ba ako?"
Ibinaba ko si Emory na lumapit na kay Eero samantalang ako ay lumapit kay Tita Jian at Tito Benj para bumati at mag mano sa kanila. Tito Benj nodded at me.
Ngayon ko nalang ulit sila nakita after all these years. Tita Jian is the same bubbly person I know while Tito Benj is like uh... silent.
I smiled shyly, "Hindi po, Tita. Si Emory po ang gumising sa'kin. Kailangan ko rin po kasi pumasok sa café ko."
"You're still my pretty little Amory! I missed you so much." she said and hugged me.
"Thank you po. I missed you, too." I answered.
Magsasalita pa sana si Tita nang biglang lumapit sa amin si Eero. He's only wearing a black sando kaya napaiwas ako ng tingin.
"Lunch is ready."
After lunch, Tita Jian and I went at the pool area to talk about everything. Si Eero, Emory, at Tito Benj naman ay naghahabulan sa may garden.
"I'm sorry, Iha. I didn't really know what happened until today. Sana nalaman ko para naman mabatukan ko ang anak ko." malungkot na sabi sa akin ni Tita pagkatapos maupo sa lounge chair.
I smiled at her, "It's okay, Tita. Hindi ko rin naman po pinaalam kay Eero 'yon. Nahirapan po akong ilabas si Emory pero worth it naman po. Napaka talino at sobrang bait po niyan. Palagi ko pong tinuturuan ng tagalog at english. Nasanay po kasi siya sa japanese pero ngayon po marunong na siya ng english. Nakakaintindi na rin po ng tagalog." pag k-kwento ko kay Tita. Nakatanaw ako sa pool dahil nakakahiyang makipag eye contact sa kaniya. Pakiramdam ko may patagong galit siya sa akin dahil iniwan ko nalang bigla ang anak niya.
BINABASA MO ANG
To Capture His Heart
Roman d'amourShe and her bestfriend came up with a plan... and that is to capture his heart. Language : Filipino, English