Chapter 27

4.8K 128 3
                                    

You cannot make this shit up. What the actual fuck?!

Parang gusto kong sumabog sa galit. Naiintindihan ko pa 'yong una pero, ito?!

I just can't cry at the corner of my room. Kailangan ko na talagang makausap si Eero. Ayaw talaga maniwala ng sarili ko kay Isabella. Pero may picture na ano pa bang kailangan ko? Ang maghalikan sila mismo sa harap ko?

This is too much. Please don't do this to me...

I called Eero.

Ringing...

"Hello? Yes, baby?"

His voice sounds so calm. Parang walang nangyari kagabi. Kaya ba niya ako kinantahan dahil na konsensya siya sa ginawa niya?

"Can we talk?"

"Yes..." napakahina ng boses niya. Anong akala niya sa akin langgam?

"Sige. Sa Monday. Punta ka sa condo." simple kong sabi at pinatay na agad ang tawag.

Sana makaramdam siya na may mali.

Dahil kahit saan ko tignan, kahit anong pag-iitindi ang ginawa ko, walang tama sa ginawa niya. Nababaliw na ako. Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin?

Kahit, 'Amory, hinalikan ko 'yong kakilala ko. Oks lang ba?' pero wala akong natanggap mula sa kaniya. Gano'n nalang ba?

Sa sobrang iyak at pag-iisip ko, hindi ko namalayan na gabi na. Nakalimutan kong tapusin 'yong isa kong activity!

Nag hilamos ako at sinimulan na ang dapat gawin. Hindi naman gagawin ng mga luha ko ang mga activity ko kaya bakit pa ako magsasayang ng oras kakaiyak?

Bumaba lang ako para mag dinner at umakyat na ulit para ipagpatuloy ang ginagawa.

I called Ace para hindi ako ma-bored kakagawa ng requirements. Pinindot ko ang loud speaker button para marinig siya nang maayos

Sinagot naman niya iyon agad, "Oy. Kumusta? 'Di ka nag r-reply sa mga text ko, a? Tapos bigla bigla kang tatawag? Ayos din iyang trip mo, a?"

I continued writing on my notebook while listening to her. Kung ano ano na agad ang sinasabi samantalang kasisimula palang ng tawag.

"Kailangan ko lang ng kausap. Medyo na b-bored ako rito, e."

"Si Eero?"

"Malay ko." walang pakialam kong sagot sa kaniya.

"Ano bang nangyayari sayo, bakla? Nag-away kayo?"

"Hindi. Anong pinagsasasabi mo riyan?"

"Nag iba ka talaga nitong mga nakaraang araw. Basta kapag may problema ka, takbuhan mo ako. Sasalubungin pa kita."

I was touched because of what she said. Laking pasasalamat ko na dumating si Ace sa buhay ko. Na kahit may pagka abnormal siya, maaasahan mo talaga siya sa lahat ng bagay.

Kung ano ano pa ang pinag-usapan namin ni Ace hanggang sa sinabi ko nang ibababa ko na dahil tapos na ako sa ginagawa ko. Nalilihis na kasi ang topic. Kung saan saan na napunta. Wala na akong naintindihan.

The next day, I fixed my stuffs. Uuwi na ako sa condo dahil may pasok na bukas. I am so exhausted. Parang gusto ko nalang matapos ang lahat ng ito.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon