Chapter 22

4.5K 136 27
                                        

After the party, we stayed for another night and went home the next day. It's almost Christmas so we can't stay longer.

"Thank you po Tita Jian and Tito Benjamin. We will come back soon po." pagpapaalam ko sa kanila. Tita Jian hugged me.

Nandito na kami sa may baba at nakahanda na ang mga sasakyan nila Eero. 'Yong ferrari na niya ang nandito.

"Thank you po Tita and Tito, a? Mag iingat po kayo at kumain ng mga masusustansiyang pagkain! Promise po nakakaganda 'yon!" masiglang sabi naman ni Ace. Tumawa si Tita Jian sa kaniya at niyakap din ang isang 'to.

"Alright, girls! Mag iingat din kayo. Advance Merry Christmas!"

"Send my regards to your parents, Amory." Tito Benjamin said.

Tumango ako at ngumiti, "Makakarating, Tito!"

Ayon na ang huling nangyari bago kami umalis sa mansyon ng mga Salazar.

Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko ang reaksyon ni Eero sa party. His eyes were about to pop out of it's sockets.

That's our first kiss.

Nagulat nga ako nang biglang pumalakpak ang mga tao kaya napalayo ako kay Eero. Doon lang pumasok sa isip ko ang kahihiyang dulot ng ginawa ko. Pero hindi ko pinagsisihan.

Napaka lambot ng labi niya. It feels like kissing the clouds. I don't want to pull away but we're kissing in public so might as well stop it.

Sa gabi ring iyon, panay ang pangungulit sa akin ni Eero na isa pa raw. Punyeta siya nakakahiya kaya!

Hindi ko alam kung lasang carbonara ba ang labi ko noon. Bwisit hindi ko kaagad naisip iyon.

"Anak! What do you want for our noche buena? Si Eero ba hindi pupunta?" Mom sat on the couch beside me. It's December 23rd today and kailangan na namin mag isip kung ano ba ang ihahanda namin bukas.

Alam na rin nila na kami na ni Eero. Hindi ko alam kung sinabi na ba ni Eero sa kanila o iba ang nag sabi. Hindi ko na rin inisip pa kahit gusto kong ako ang mag sabi. Alam na rin naman nila.

"Hindi po Mommy, e. May celebration din po kasi sila. Nandito naman po sila Ace kaya ayos na po iyon."

Siyempre, the Celestes and Lopezes will celebrate Christmas Eve together. Ayon ang nakagawian namin. Sa katunayan, sa kabilang bakod lang ang bahay nila Ace. Magkatapat pa ang mga bintana ng kwarto namin kaya hindi pa rin ako makakatakas sa kakulitan niya kahit bakasyon. Drexel's family will come too.

"Pero marami po akong gusto. I will help you cook, Mommy!" masigla kong dagdag.

"Tayo nalang ang mag grocery. Ayos ba?" sabi niya habang itinataas baba ang kilay niya. Napatayo naman ako sa sobrang excitement. Pinaka paborito kong gawin ay ang pag g-grocery para sa lulutuin ko.

Sa hapon ding iyon ay nag ayos na kami ni Mommy para umalis. Nakakatawa ngang parehas pa kaming excited.

Halos puno ang supermarket dahil na rin siguro nag l-last minute sila katulad namin.

Pumunta ako sa may pasta aisle at kumuha ng dalawang balot. Paborito namin ni Ace ang carbonara kaya paniguradong ubos sa amin iyon.

Walang trabahador sa bahay kasi Christmas break nila. Sayang nga at hindi nila matitikman ang gawa ko. Gusto ko pa naman hingin ang opinyon nila.

Nang makuha na namin lahat ay agad na naming napagpasyahang umuwi. Bumili na ako ng mga regalo noong nakaraan pa dahil tulad ng nakita ko kanina, maraming tao kapag malapit na ang pasko. Ayaw ko namang ma-hassle.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon