Special Chapter

7.1K 187 64
                                    

"Naloloka pa rin talaga ako sa love story niyo ate Amory!" Laine, a client and a friend of mine said. Ininom niya ang shake na nasa harap niya. Bottoms up pa. Hanep. Hindi ba 'to na b-brain freeze?

Nawala iyon sa isip ko nang makita siyang ngumiwi at napahilot ng sintido. Ayan sige.

She's 3 years younger than me and she's been a loyal customer in my café. I really like her personality and I love her for my friend.

I laughed at her, "Kahit ako naloka."

Sino ba naman kasi ang hindi maiinis at mababaliw sa kwento namin ng asawa ko? It's stressful not just for us but also for the people around us.

"Sana ako rin may Eero!" naiiyak niyang sabi, "Saan mo ba nabili si sir? Shop name po or drop link nalang!" pagbibiro niya.

Pinili kong sakyan ang biro niya, "Sa shopee. Sold out na." natatawa kong sabi kahit alam naman naming dalawa na may fiancé na siya.

Nangako ako sa sarili ko na kapag nag away kami ni Eero, hindi puwedeng hindi namin pag usapan ang lahat nang masinsinan.

It's been almost two years since we got married. We both made mistakes in the past but we learned from it. It made us stronger than ever.

Hinding hindi ko na papakawalan pa si Eero. He's my everything.

"Charot lang bestie baka magalit si Cyprian." kunwari'y kinabahan niyang sambit dahilan ng pag angat ng labi ko.

My phone beeped at agad ko iyong kinuha. I received a text from my husband.

My Husband :
Already got Zeero. We're on our way there. See you later, wife. I love you.

Napangiti ako dahil sa text niya. Kinikilig pa rin talaga ako sa mga simpleng "Wife." at mga "I love you." niya.

Napatingin ako sa labas kahit alam kong kaka-text lang niya.

Tumayo si Laine kaya napabaling ako sa kaniya, "Looks like you're expecting someone. Mauna na ako Mrs. Salazar at may dinner pa tayo later. It was nice working with you again!" ngiting-ngiti sabi nito.

Tumawa ako dahil sa pagiging pormal niya at tumayo na rin. Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya, "It's an honor to work with you again ma'am." pormal ko ring sabi at sobrang lakas na tawa ang isinukli niya sa akin.

"Echosera ka." biro niya.

Nang tuluyan nang makaalis si Laine, kumuha ako ng tray at ako na mismo ang nag ligpit ng pinagkainan naming dalawa. Hangga't kaya ko ang isang gawain sa café na ito, gagawin ko iyon.

We have helpers here pero ngayon kasi ay punong puno ang café. Malapit lang ito sa isang kilalang unibersidad at uwian na nang mga ganitong oras kaya halos lahat ng customers namin ay mga estudyante.

"Ako na 'yan ma'am." sabi ni Juan, ang server namin nang makitang buhat ko ang tray. Inilingan ko siya dahil may buhat pa siyang dalawang tray na puno ng orders.

Hindi na rin naman siya umangal pa at ipinagpatuloy ang ginagawa. Dumiretso na ako sa washing area para hugasan ang mga dala ko. Pagkatapos ay pumunta naman ako sa kitchen area para tignan ang lagay doon.

"Mama!"

Napatigil ako sa ginagawa at lumingon sa may pinto dahil sa sigaw na iyon. Mama palang pero alam ko na agad kung sino.

Nagulat ako sa pagtakbo papasok ni Emory pero agad napalitan iyon ng kagalakan. Sumunod naman si Eero sa kaniya. Lumuhod ako para maging kapantay ni Emory at inilahad ang aking mga kamay. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon