Chapter 13

4.4K 153 33
                                    

"I like you, Amory." Eero said. Paniguradong hindi siya nagbibiro. I was taken a back because of it. Even the whole room went quiet. Nanlaki ang mga mata namin maliban kina Marcus at Drexel na mukhang proud pa sa sinabi ni Eero.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Grabe ang kaba na nararamdaman ko sa oras na 'to. Akala ko ay mag c-chacha siya kanina kaya inipon ko na ang tawa ko.

I should be happy right? This is our plan in the first place pero bakit hindi ako masaya?

"Hala kulang dre. Asan 'yong 'so much'?" pagbibiro pa ni Marcus. Sinamaan ko siya ng tingin. Sige gatungan mo pa. Narinig ko ang tawa ng iba pero hindi ko na iyon pinansin.

"Bobo." sagot ni Eero. Umayos na siya ng upo at umiwas ng tingin sa'kin.

The game ended because it was so awkward. Halos hindi ako makasalita samantalang si Ace ay panay ang asar sa akin. Si Isabella ay hindi pa rin maka-move on sa ginawa sa kaniya ni Marcus.

Everyone's outside habang ako ay nanatili sa loob ng kwarto namin. I was thinking what the heck did just happened?

Aminin ko man o hindi, may kaonting nararamdaman na ako para sa kaniya. Hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil ayoko nang lumala pa. Lalayuan ko rin siya kaya bakit ko pa papalaguin ang nararamdaman ko sa taong temporaryo lang naman?

I'm still shocked that he told everyone that he likes me. Eero Salazar? The CEO of the Salazar Corp., the guy who's most girls are dying to get likes me? Gusto niya ako?

I pinched myself hoping it's just a dream. Why did he say that? Paano ako aahon kung sa ganoon palang niya ay lunod na lunod na ako?

I've never liked a guy my whole life. Everything feels foreign. I don't know how describe it, but I love this feeling. Too bad it won't last long.

Hindi ko naisip na magugustuhan ko si Eero. Ang sabi ko'y 'di ako magkakagusto sa mas matanda sa akin. Pero parang kinakain ko lang ang sarili kong salita.

I was disturbed when I heard a knock. Tumayo na ako para buksan iyon. Napa atras ako nang makita si Eero sa may pinto.

"Bakit?" I stuttered. Tinignan niya ako na parang nahihiya pa. Nanatili siyang tahimik.

I was about to close the door dahil sa sobrang inip pero agad niyang iniharang ang kamay niya sa pinto. Tinaasan ko siya ng kilay para itago ang sobrang kaba. Umayos naman siya ng tayo.

"There's a night market nearby. Baka gusto mong pumunta?" pang-aaya niya. Bigla akong nabuhayan dahil gusto ko bumili ng kung ano ano ngayon. Gusto ko ng souvenirs.

I smiled, "Magbibihis lang ako."

Mukhang nagulat pa siya sa pag ngiti ko pero tumango rin naman siya. Unti-unti kong isinara ang pinto.

I wore a plain white croptop and adidas sweat pants. Nag suot lang din ako ng slides. Gusto ko kasi makagalaw ng maayos kapag mamimili.

Lumabas na ako para ayain sila, "Tara na sa night market!"

Napatigil naman sila sa ginagawa nila. Mga nakapantulog na. Hindi ba sila sasama?

"Mayroong night market? Sama!" si Ace pero agad din siyang hinila ni Cyprian.

Tinignan ko sila nang may pagtataka. Hindi nila alam? Nakatingin silang lahat sa 'kin. Si Eero naman ay nakaupo sa couch. He's just wearing a simple white tshirt and a gray shorts. The tshirt is hugging his body perfectly. Naka tsinelas lang din siya katulad ko pero halata mo pa ring mayaman. Tsk. Lakas talaga ng dating ng isang 'to ah.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon