Chapter 17

4.3K 152 74
                                    

"Tigilan mo na." seryoso kong sabi sa kaniya. Sakto namang red light kaya huminto siya at tumingin sa'kin.

Mayro'n sa isip ko na ayaw gawin ito dahil parang 'di ko nirerespeto ang nararamdaman niya. I was just so guilty.

"Let's go to my house and let's talk about that." he seriously said. I sighed. Ito na siguro ang tamang oras para sabihin sa kaniya kung ano talaga ang dahilan ko.

"Bakit sa bahay mo pa?" biglang tanong ko sa kaniya. Ano bang balak niyang gawin?

Tumingin naman siya sa akin, "We'll just talk. Malapit lang din iyon dito." pag eexplain niya pero naningkit ang mga mata ko.

"Wala akong gagawin sayo if that's what you're thinking." malamig niyang sabi kaya sumandal na ako ulit at hindi na muling nagsalita pa sa buong byahe.

Nakarating kami sa isang mansyon. Sobrang ganda. Our house is a mansion too pero hindi ganito kaganda. Ang dami naman niyang budget. Paniguradong bahay na niya ito. May kasama kaya siya sa bahay?

Bumukas ang gate niya. Akala ko may kasambahay siya pero mukhang automatic 'yong gate niya. Pinark niya ang kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto.

I went out and looked at his house. He's that rich, huh?

Pagkapasok namin ay dumiretso siya sa sa sala at tinanggal ang coat niya. Tinignan niya ako saglit at inaya sa kusina kaya sumunod na ako.

"Ano bang gagawin natin bukod sa pag-uusap?" malisyosang tanong ko sa kaniya. Ayon nanaman ang tingin niyang iritado. Nababadtrip na siguro siya sa'kin. Bakit ba? This is my first time at a guy's house. Malay ko bang bigla nalang ako sunggaban ng isang 'to.

"I'll cook. Just sit there." suplado niyang sagot sa akin. Umirap ako at sumunod nalang sa kaniya.

"Hindi ba't mag-uusap tayo?"

"Later."

I just watched him cook our dinner. Napaka pogi talaga nitong lalaking 'to. Pati likod ang gwapo. Ganda ng lahi nila, a.

Naalala ko noong una kong kita sa kaniya sa may tindahan ng kwek-kwek. I never thought we'll be this close. Kahit kailan ay hindi ko naisip na mapapalapit talaga kami ng ganito, lalong lalo na ang magustuhan niya ako. I know we had a plan about me getting him pero sa una palang ay alam ko nang palpak iyong plano na 'yon.

Ano bang mayro'n sa'kin? Ako lang naman si Zaraiah Amory. Char.

Umiwas ako ng tingin nang bigla siyang humarap sa'kin.

"Enjoying the view?" pang-aasar niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nanatiling tahimik.

"Wala ka bang kasama rito sa bahay mo?" pag-iiba ko ng topic habang inililibot ang tingin sa bahay niya. The house is too big for him only. Kasya ang limang pamilya rito kung tutuusin.

"Wala. I hate being surrounded by people. Gusto ko tahimik lang. Pero may mga pumupunta rito tuwing weekends para mag linis."

I laughed, "Gusto raw ang tahimik pero go lang sa pag c-club? Nice joke ah." sarkastiko kong sabi kaya tumingin ulit siya sa gawi ko. He turned off the stove and went closer to me.

"Ang tawag doon ay pakikisama. Pakikisama sa mga taong nasa paligid ko." pangaral niya sa'kin. He pinched my cheek and went back to his cooking. Pinunasan ko ang pisngi ko.

Hinayaan ko lang siya sa pagluluto at hindi na inistorbo pa. I was just scrolling through my phone.

Nagulat naman ako nang biglang may tumawag. Napahinto tuloy ako sa pag s-scroll. Kumunot ang noo nang makitang si Takahiro ang tumatawag. I answered immediately.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon