Chapter 24

4.3K 107 13
                                    

"Aray..." mahinang usal ko nang maramdaman ang sakit sa may ibaba ko. Gano'n pala iyon kasakit.

Eero is hugging me at naka dantay pa kaya lalo kong nararamdaman ang sakit. Our bare skin is brushing against each other kaya bigla akong kinabahan.

Unti-unti kong inangat ang braso niya para makahinga naman ako. Pati ang hita niya ay sinubukan ko ring tanggalin.

"Hmm..." he groaned and hugged me tighter kaya napalunok ako.

Punyeta talaga!

I decided to sleep the pain off. Babawi nalang ako ng pahinga sa mga susunod na araw.

Bago mag tanghalian, napag desisyonan kong umuwi na. We just ate breakfast. Pinalitan din niya ang bedsheet dahil may blood stain doon. Nakakahiya!

Eero insisted that we should eat lunch together pero baka nag aalala na si Ace. Wala rin pagkain doon panigurado.

I wore my clothes from yesterday at hinatid ako ni Eero sa condo.

Hiyang hiya ako sa ginawa namin kagabi samantalang siya ay parang wala lang. Bakit ganoon?

He kept on teasing me kapag napapansin niyang naiilang ako kaya nararamdaman ko palagi ang init sa pisngi ko. Ang sarap niyang kutusan.

Dire-diretso ako sa pag pasok sa unit namin. Parang inuhaw ako sa mga nangyari kagabi kaya napainom ako nang maraming tubig. The scene keeps on repeating. Ako na ang nahihiya sa sarili ko. Malandi ka, Amory!

"Oh. Bakit ngayon ka lang umuwi?" bungad sa akin ni Ace pagkalabas niya mula sa kwarto niya.

I am panting for no apparent reason. Nababaliw na ako.

"Nasisid na ba ang perlas?" nag aalangan niyang tanong kaya bigla kong nabuga sa mukha niya ang iniinom kong tubig. I coughed so hard. Parang napunta pa sa ilong ko 'yong tubig!

Napanganga siya sa sobrang gulat. Umarte pa siya na parang umaatras habang nakaturo sa akin na tila hindi makapaniwala. Tatawa na sana ako nang makita ang mukha niyang sobrang basa pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Gago... sana all!" she squealed while wiping the water off her face. Lumapit siya sa akin at inalog-alog pa ang braso ko. Muntik pa akong mahilo sa kaniya.

"Bunganga mo nga. Anong sana all?" napipika kong tanong sa kaniya. Umayos naman siya ng tayo at tumikhim.

"Siyempre Eero na 'yon bakla! Hindi talaga iyon nag jojowa sabi ni Ethan. Baka pakasalan ka na niyan." sabi niya kaya natigilan ako.

Sa totoo lang, wala pa sa isip ko ang pag papakasal. Gusto ko muna kasi ipatayo ang café ko bago ang kasal. Tsaka bata pa ako. Hindi pa ako handa. Puwede naman namin siguro enjoy-in ang lahat ng ito muna 'di ba?

"Desisyon ka." mahina kong sambit. Nginiwian niya ako at tinuluyan na niyang pinunasan ang kaniyang mukha.

"Feeling maganda amp. Nga pala, wala kang gagawin ngayon? Alis tayo nila Cyprian. Si Isabella panay ang aya sa amin, e. Pumayag na ako tutal wala naman akong gagawin. 'Di naman puwedeng wala ka kaya kahit ayaw mong sumama, sasama ka." dire-diretso niyang sabi. Tumango nalang ako sa kaniya bilang sagot. Okay rin iyon bago pa ako ma-stress sa mga school works.

"Alas singko, a? Lutuan mo muna ako hehe." dagdag niya at pumunta na sa couch para manood. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. Baka mamatay 'to sa gutom, e.

Luto nalang ang maiaambag ko rito. Madalas kasi ay siya ang naglilinis maliban nalang kapag wala akong magawa at naisipan kong maglinis. Hindi na kami nag lalaba dahil pinapa-laundry nalang namin.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon