Chapter 35

7.7K 159 22
                                        

"Liana!" I said with a shocked face. Nakalimutan kong may usapan pala kami ngayong araw. She's wearing a long sleeve dress.

Lumipat ang kaniyang tingin kay Eero na hindi man lang inalis ang tingin sa kaniyang Mac and Cheese.

"Why are you here? Sabi mo busy ka?" Liana said to Eero. Umatras pa ako nang bahagya para hindi makasagabal sa kanila. Doon na iniangat ni Eero ang kaniyang tingin. His eyes landed on mine first kaya bahagya akong napatalon pero agad din niyang inilipat kay Liana. The coldness in his eyes is so evident.

"Yeah. I'm busy." balewala nitong sabi at sumubo ng mac and cheese.

"Weird." bulong ni Liana at hinila nalang ako papunta sa kabilang table. Tumawag na rin ako ng ibang server para kunin ang order nila Marcus.

As long as maganda ang pakikitungo sa akin ni Liana, I'll do the same. H'wag lang niya ako malditahan kung ayaw niyang pag untugin ko sila ni Eero.

I'm still skeptical about her, though. Besides, not all people who are nice to you have good intentions.

I placed the notepad on the table. Napansin ko naman ang pag upo ni Eero sa tabi ni Liana. Then my dream from the day I was hospitalized popped up. It's turning into a reality. Kinda.

"Bago palang kasi ako rito kaya wala pa akong maipapakita na designs sayo. You can tell me your likes and goal sa cake so I can list them down for you." I said as I click the pen that I'm holding.

"Hm. Ano sa tingin mo?" baling ni Liana kay Eero.

Sige lang. Kaya niyo 'yan.

"The theme will be fairy garden, right?" sabi ni Eero.

I wrote 'fairy garden themed' on my notepad para maiwasan kong mapatingin sa kanila. Naiilang ako sa kanila.

"Yes! Wala talaga akong specific design sa isip so I need your help. Kahit ano basta fairy garden themed 'yong kasal." sabi ni Liana sa akin.

Ayon lang pala, sana tinext nalang niya ako. Nakakahiya naman, pinuntahan pa niya talaga ako rito. I'm thankful, though.

Nag usap pa kami saglit kaya nagpakuha ako ng tubig at cake. Baka mauhaw 'to dahil puro siya kwento ng kung ano ano. Wala na nga akong naintindihan. Tumatango nalang ako at tumawa kapag tumatawa rin siya.

Nag paalam na siya para umalis. Nabadtrip ata kay Eero pero malay ko ba. Problema na nila 'yon.

Naiwan kami ni Eero sa lamesa kaya tumayo na ako para bumalik sa loob. Napahinto ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko. Muntik pa akong bumagsak.

"Bakit ka ba hila nang hila?!" naiinis kong sabi at hinatak ang kamay ko mula sa kaniya. Ang hilig nito manghatak. Akala niya ata close pa kami?

Naramdaman ko ang tingin nila Drexel sa amin pero hindi ko sila pinansin. Sinamaan ko ng tingin si Eero pero nanatili lang siyang nakatingala sa akin.

"Let's talk." seryoso nitong usal.

"Tungkol ba saan? Kagabi pa 'yang 'Let's talk' mo! Nakapag usap na kami ng girlfriend mo tungkol sa cake, a? May ipapadagdag ka pa ba?" napipikon kong sabi.

He clenched his jaw, "Let's talk about us."

I tsked and sat down again.

I crossed my arms, "Ano?"

"Why did you left me?" this time, his voice almost cracked. Parang nakaramdam naman ako ng hiya at inilibot ang tingin sa paligid. Good thing no one was looking at us except Drexel and Marcus. This time, wala nang bakas ng kalokohan sa mga mukha nila.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon