Chapter 23

4.3K 130 39
                                    

disclaimer : r18+ nang kaonti hehe

——————-

Two months.

Two months na ang nakakalipas noong New Years Eve pero kapag naaalala ko iyon, naiihi pa rin ako sa kilig.

Kinikilig ako kahit medyo nabadtrip ata siya sa akin no'n. Nag picture kasi kami lahat, family picture. Tapos habang pume-puwesto na kami, hinila ko sa gilid si Eero at sinabing, "Dito ka para kapag nag break tayo kayang kaya kita gupitin o kaya'y i-crop sa picture."

Sumama talaga ang mukha niya no'n. Nagbibiro lang naman ako! Panay pa nga ang tawa ko pero tinitignan lang niya ako na parang 'di niya maintindihan mga ginagawa ko sa buhay.

Ilang araw lang ang lumipas noon, balik eskuwela nanaman ako. I didn't complain because I'm excited to bake again. Halos hindi na nga mawala ang ngiti sa labi ko noong makita kong muli ang aming prof. Though, I hate the guts of my other classmates.

Halata mo kasi sa kanila ang pakikipag plastikan. Akala mo kung sinong mabait kapag kaharap ka, kung ano ano naman ang sinasabi tungkol sayo kapag naka talikod ka.

They like to gossip about other people's life when they can't even talk about theirs. Ang gugulo nila. Nasa dugo ata talaga ang pagiging chismosa.

Now, we're preparing for our finals and graduation. May mga kailangan pa kaming aralin at ipasa.

Friday ngayon at since wala pa talaga kaming ginagawa, napag pasyahan kong sorpresahin si Eero sa opisina niya. Hindi pa talaga ako nakakapunta roon dahil bukod sa may ginagawa rin ako, ayaw ako papuntahin ni Eero.

Hindi ko alam kung bakit. He just kept saying, "Just because." and avoiding my gaze. I shrugged because I don't want to put any meaning to it.

"Amory! Pakopya naman ako roon sa assignment natin." Cyprian pleaded when he entered the classroom. Namamawis ito at hingal na hingal. Tinignan ko muna siya nang masinsinan. Ano bang ginagawa nito at wala siyang assignment?

"Bakit hindi mo nagawa?" I asked. Umupo naman siya at kinuha ang panyo para punasan ang pawis niya.

"Nakalimutan ko, e." napakamot siya sa ulo. Umiling ako at tumawa rin pagkatapos ibigay sa kaniya ang assignment ko.

I didn't received any text messages from Eero except this morning dahil alam niyang klase ko. I wonder what he's doing right now?

Our classes went on smoothly. Nagsisimula na sila mag bigay ng mga final project and activities pero hindi ko na muna iniisip iyon dahil marami pa akong panahon. Baka unti-untiin ko sila. May sinisimulan na rin akong thesis.

"May gagawin ka mamaya?" Cyprian asked while we're cleaning up our stuffs. Wala naman akong gagawin kundi ang mag patay ng oras dahil mamayang gabi ko pa pupuntahan si Eero.

Umiling ako sa kaniya bilang sagot, "Gusto mo ba gumala?" mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko dahil hindi talaga ako ang nag aaya sa mga gala namin.

"Oo sana. Gusto ko kumain. Sama kayo ni Ace. Lilibre ko kayo." pang-aaya niya.

Anong meron dito? Bakit bigla bigla nalang siya nang-aaya?

Baka nabasted?

Napailing ako sa naisip. Hindi naman siguro. Sinong mang b-basted sa kaniya e ang guwapo guwapo niya?

Lumabas kami nang walang salita salita. Paglabas namin ay nandoon na agad si Ace at mukhang inip na inip pa siya. Siya lang ang panay daldal sa aming tatlo.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon