"Kung ano ano lumalabas sa bunganga mo." napipika kong sabi kay Ace at halos kaladkarin siya. Ano namang mapapala ko in the future?
It's already 1 in the afternoon. Napaka init at ramdam ko na ang kaonting lagkit ng katawan tapos ngayon niya pa naisipang pumunta sa Mall?
"Magtiwala ka nalang sa 'kin Amore. Dami pang sinasabi, e." pagtataray nito sa akin kaya agad kong binawi ang braso ko at kinurot siya sa tagiliran. Napangiwi naman siya sa sakit.
Hindi ko rin alam kung paano ko natitiis itong si Ace. Siya lang kasi talaga ang kaibigan ko. Hindi naman dahil no choice ako, kundi siya talaga ang alam kong totoo. Magkaiba kami lalo na sa mga hilig pero alam kong bagay kami bilang magkaibigan.
Pinilit kong ikalma ang sarili ko. Ngayon pa ba ako mapipikon sa kaniya gayong ilang taon na kaming magkaibigan?
"Tara na kasi. Ibaba muna natin 'tong mga gamit at mag palit. Alam kong 'di sila nagpapapasok ng mga estudyante, e." sabi niya na akala mong sure na siyang sasama ako. Mukhang sigurado siya na wala akong kawala sa kaniya. Hindi ako nagsalita at hinayaan na lang siya sa gusto niyang mangyari.
Diretso lang ang tingin ko sa daan nang napahinto dahil sa sinabi niya.
"Mamayang gabi pupunta tayong TR! Nandoon si Eero panigurado. Hindi ka ba nagtataka kung ano ang itsura no'n? Tsaka consider this as our first step. Unti-untiin lang natin para 'di magulat 'yon pag bigla mo siyang lapitan at sunggaban."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Paano ka naman nakasisiguro na nandoon nga 'yon? Close pa rin kayo?"
Mukhang 'di niya inaasahan ang tanong ko kaya nag-isip siya saglit. May hindi sinasabi ito sa 'kin, e.
"Tara na nga!" iwas niya sa tanong ko.
Pagkauwi namin ay nagmamadali siyang pumunta sa kwarto niya. Ibinaba ko ang mga gamit ko at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Binuksan ko ang ref at napansin kong kaonti nalang ang supplies namin kaya isinaksak ko sa utak ko na kailangan kong ayain si Ace na mag grocery.
Kinuha ko ang pitsel at kumuha na rin ng baso sa cabinet. Mabilis kong nilagok ang tubig. Uhaw na uhaw ako dahil sobrang init talaga.
Sana walang mangyari sa'king masama sa mga binabalak namin ni Ace. Mayaman pa naman ang ex niya. Baka ipapatay ako no'n kapag nalaman niyang pinaglaruan lang namin siya. Pero hindi ko rin sigurado dahil base sa mga sinabi ni Ace at sa mga narinig ko no'ng nakaraan, baka sa dami ng mas magagandang babae na lumalapit sa kaniya, baka hindi pa ako no'n pansinin.
Nagpalit lang ako ng damit. I just wore a white puffed sleeve dress and a pair of sandals. Pagkalabas ko ay nando'n agad si Ace. Nakaupo siya sa sofa na parang inip na inip na kahit ilang minuto lamang ang itinagal ko. Napatayo naman siya at hinila na ang pulsuhan ko.
"Ito ang bibilhin natin Amore!" nagulat ako nang biglang nag abot ng dress si Ace. Kakapasok pa lang namin sa isang boutique sa mall. Sanay na sanay siya sa mga ganito. Baka nga nauumay na siya.
She gave me a black midi dress with a slit on the side. Litaw na litaw ang hita ko rito kaya 'di ko alam kung magiging komportable ba ako pero hinayaan ko lang siya. May bitbit din siyang black strappy heels.
Ilang oras din ang ginugol namin sa pagbili. Pinakamaraming nabili ang kasama ko siyempre. Palibhasa mayaman.
Pagkatapos ay nagpasya kaming kumain sa isang fast food chain.
BINABASA MO ANG
To Capture His Heart
RomanceShe and her bestfriend came up with a plan... and that is to capture his heart. Language : Filipino, English