Chapter 5

5.5K 190 19
                                    

Inilahad niya ang kaniyang kamay at agad ko iyong tinanggap. His calloused hands are so big. It was warm as well.

Kahit ilang beses ko nang narinig ang pangalan niya ay umakto akong nagulat at tumango-tango.

"I'm Amory." pilit ang ngiti kong sabi sa kaniya at binitawan ang kaniyang kamay.

"I know. Sinabi mo kanina." he chuckled. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Inaasar niya ba ako dahil sa pagka pahiya ko kanina?

Hindi ko nalang iyon pinansin at nag salita, "Sorry but I have to go." kunwaring nanghihinayang kong sabi. Kunwari ayaw ko pa siyang iwanan. Tss. Na-gets naman niya agad ang sinabi ko kaya itinuro na niya ang entrance ng condo namin.

"Alright then. See you around, Miss." he turned around. Inangat niya ang kaniyang kamay at kumaway. I noticed his car keys on his fingers.

Tumalikod na ako at humakbang na sa hagdan. Pagkadating ko sa unit ay agad akong dumiretso sa kusina at uminom ng napakaraming tubig. I didn't know socializing is that exhausting. I stared at the sink for a whole minute.

I went inside my room and removed my dress. I took a cold bath and put on my skincare. Pagod akong sumalampak sa higaan ko.

Base sa mga taong narinig ko sa campus, Eero will just ignore your entire existence. He doesn't even care at all. So I was perplexed when he suddenly gave me a warm treatment.

What's on your mind, Eero?

I brushed every thoughts in my head. I badly need to rest. I pulled my comforter and closed my eyes.

What a night, Amory.

Nagising ako dahil ramdam ko ang init sa aking mukha. Unti-unti kong idinalat ang mga mata at agad ding nasilaw. Hindi ko pala sinara ang blinds kagabi.

Naghilamos ako at nag toothbrush para maghanda para sa breakfast. Hindi ko alam kung bakit sumasakit ang ulo ko ngayon. E halos strawberry juice lang ang laman ng tiyan ko kagabi.

Paglabas ko ay agad kong nakita si Ace na nakasalampak sa sofa. Suot niya pa rin ang dress niya kagabi. Diyan na siguro siya nakatulog dahil sa sobrang kalasingan.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at tinapik ang pisngi niya, "Hoy Solstice. Bumangon ka."

Idinilat niya ang mata niya at kinusot-kusot iyon. Naiirita siya bumangon at umayos ng upo.

"Bakit ba?!"

Ay wow? Siya pa ang may kapal ng mukhang magalit ngayon? Samantalang iniwan niya akong mag-isa kagabi?

Hinila ko naman ang buhok niya at umupo sa tabi niya.

"Saan ka pumunta kagabi?" suplada kong tanong sa kaniya. Agad namang nawala ang pagkakunot niya ng noo.

"Diyan lang." mahina niyang sambit kaya agad ko siyang binatukan agad.

"Diyan lang? E kung napahamak ka sa kakaganiyan mo?"

Napakamot naman siya sa ulo. Tumayo siya at pumunta sa kusina. She even have the guts to drink water while I'm lecturing her!

Straight niyang ininom ang tubig niya at padabog itong binaba sa lababo.

"Tsaka mo pa 'yan sinabi kung kailan kausap mo na ako ngayon?!"

Agad ko naman siyang pinanlakihan ng mata. Kinuha ko ang throw pillow at akmang ibabato sa kaniya, "Bakit ka naninigaw?! Wala ka man lang text kung saan ka pupunta. Kung 'di pa ako inantok, baka hanggang ngayong umaga ay nag-iintay ako sayo roon sa club!" sunod sunod kong sabi kaya pagkatapos ay hinihingal ako.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon