"Ano?! Siraulo ka talaga 'no?!" sigaw ko sa nakatagong si Ace.
Isang linya palang ang sinabi niya tungkol sa plano ay agad ko nang dinampot ang plastic ng pasta para ihagis sa kanya.
Siraulo na talaga siguro siya.
"Ano ka ba! Kayang kaya mo 'yon! Napaka ganda mo kaya!" pang-uuto niya pa sa akin.
"Sinong inuuto mo?!" gigil na sabi ko. Napakamot naman siya sa kaniyang ulo at unti-unting lumapit. Kinuha niya ang plastic ng pasta mula sa kamay ko at hinila ako papuntang sala.
"Dali na kasi. Para sa'yo rin naman 'to!"
Huh?
"Anong para sa 'kin?" kunot noo kong sabi sa kaniya. Bigla naman siyang napatakip ng bibig at mabilis na umiling.
"Wala! wala! H'wag ka na kasing tanong nang tanong! Sabi mo ikaw ang bahala?"
Napairap naman ako dahil sa sinabi niyang iyon.
"Ang sabi ko ako ang bahala! E, bakit parang ikaw ang bahala?" napatigil naman siya at napaisip.
"Oh sige nga. Anong plano mo?" hamon niya sa akin. Nakapamaywang pa. Natahimik naman ako dahil aaminin ko, wala talaga akong plano. Masyado akong naging abala sa school works ko kaya halos mawala iyon sa isip ko.
Nang mapansin niya ang pananahimik ko, nag simula nanaman siyang dumaldal.
"'Di ba wala kang plano? Hay nako."
Kaya wala na akong nagawa kundi ang makinig sa sasabihin niya. Bumuntong hininga ako at nag-isip saglit. Bahala na.
"You don't need to put too much effort. You just have to capture his heart. Let your beauty do the job." pang-eenganyo niya pa sa akin.
Tinignan ko siya nang masama. Natutuwa ako dahil maganda ang tingin niya sa 'kin pero hindi ako ang pinakamagandang babae para lang mang-akit ng kung sino sino!
"Sige na! Tigilan mo na ako kung gusto mong kumain ngayong gabi."
"'Yon!" masayang sambit niya at lumayo ng kaonti. Tumayo na ako at pinagpatuloy ang naudlot na pagluluto ng mac and cheese.
"Full name?" tanong ko sa kanya habang sumusubo ng mac and cheese.
"Zachary Eero Salazar!" masiglang sagot niya.
Nice name, huh?
"Bakit gano'n ang pangalan niya?" I asked.
"Hm... architect kasi ang papa niya. Eero means ruler. Sinearch ko pa 'yan!"
Ang dami niyang alam, a?
"Job?"
"He's the CEO of their company. The Salazar Corp."
"How old is he?"
"27."
Gulat akong napatingin sa kanya. She really likes older guys.
"Anong tingin 'yan Amore? We're just 22. 5 years lang ang agwat. H'wag kang OA dahil 'di naman siya sugar daddy!" she said pointing her fork at me. Inignora ko nalang siya at nagpatuloy sa pagtatanong.
"Gwapo ba 'yon?" that just came out of my mouth. Napahagikgik ang kaharap ko dahil doon.
"Sa tingin mo?" nakangising tanong niya habang kumakawala ang mga tawa.
Aba malay ko ba roon? Wala akong masabi dahil 'di ko naman alam kung ano ang itsura ng isang 'yon.
"Ewan. 'Di siguro." balewalang sagot ko. Uminom naman siya ng tubig dahil mukhang muntik pa siyang mabilaukan katatawa niya kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/248833658-288-k530887.jpg)
BINABASA MO ANG
To Capture His Heart
RomanceShe and her bestfriend came up with a plan... and that is to capture his heart. Language : Filipino, English