Na-enjoy ko ang weekend nang kasama sila Mommy at Daddy. Ginawa na namin lahat ng puwede naming gawin sa loob ng dalawang araw. Movie marathon, swimming, baking, pati ang paglilinis ginawa na namin.
Sobrang lungkot bago ako umuwi dahil mamimiss ko sila pero naisip ko na puwede naman akong bumalik anytime. Hindi naman nila ako pinalayas.
Balik Manila ulit ako. Today is Monday pero sa pagkakatanda ko, wala naman kami masyadong gagawin bukod sa discussion. Hindi katulad last week na maiiyak nalang ako sa sobrang dami ng gagawin.
Panay pa rin ang pag-uusap namin ni Eero kahit hindi kami nagkikita. We're just talking about random things. It's surprising that we don't get bored at each other.
"Gala naman tayo! Hindi naman ako nakaalis no'ng weekend dahil madami rin akong kailangang gawin." pang-aaya ni Ace habang sinusubo ang kaniyang burger. Monday na Monday, nag aaya siya ng gala?
"Kailangan namin mag seryoso ni Cyprian ngayon dahil malapit na ang internship namin." walang ganang sambit ko at kumuha ng pasta para kainin.
"Ako rin naman, a!" depensa naman ni Ace. Hindi ko nalang siya pinansin at sumubo nalang ulit ng pasta.
"Bago 'yon puwede naman tayong gumala." si Cyprian.
Magandang ideya nga iyon. Pag r-relax muna bago maging stressed. Tumango ako bilang sagot.
"Alam mo naisip ko rin 'yan! Mag bestfriend talaga tayo!" masiglang sabi ni Ace kay Cyprian at itinaas pa ang kamay para makipag apir. Nginitian siya nito at tumugon sa apir.
Tinapik ko ang braso ni Ace, "Tsaka na 'yan pag-usapan. Medyo malayo pa naman kung tutuusin."
Halos wala akong gana ngayong araw dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang bahagyang pagsakit ng likod ko. Kaonti nalang naman at sinigurado kong marami akong stock ng salonpas sa bag at sa bahay.
Natapos ang mga klase namin nang wala naman kaming masyadong ginagawa. Puro daldal lang ni Cyprian ang naiintindihan ko. Halos iyon na nga lang ang pumapasok sa utak ko, e.
"Buti naman chill week ngayon 'no? Halos sakalin ko na ang sarili ko sa gawain last week, e." pang c-chika ni Cyprian. Tumango ako kaya sabay kaming tumawa sa litanya niyang iyon at lumabas na para hintayin si Ace sa labas ng room namin.
"Don't touch me nga! I'm just looking for someone! Mukha ba akong may nakakawin eh ang c-cheap ng mga nandito?" lumingon kami sa pinanggalingan ng boses na iyon. We saw a girl wearing a red dress. She's being held by a guard.
"Pasensiya na ma'am pero bawal po talaga ang outsiders dito." mukhang nauubos na ang pasensya ni kuya guard. Nilapitan namin ni Cyprian ang puwesto nila. I just realized that the girl was Isabella!
"Puwede na! Uwian na, o!" pagpupumilit niya pa.
"Isabella?" tawag ko sa kaniya. Anong ginagawa niya rito?
Humarap naman siya sa akin at tinasaan ako ng kilay. Nag pumiglas siya sa guard at lumapit sa akin.
"You." she called. Tinignan ko siya nang may halong pagtataka. Ako ba ang pakay niya?
"Bakit?" kinakabahan kong tanong. Hindi ko na napansin pa ang pagdating ni Ace dahil 'di ko alam kung anong mangyayari. Kahit kailan ay ayoko ng gulo at sa itsura niya ngayon, alam kong ayon ang gusto niyang mangyari.
"Ano bang nangyayari, Amore? Sino 'tong walang breeding na babae'ng 'to?" bulong ni Ace pero alam kong sinadya niyang iparinig ito kay Isabella. Hindi ko siya pinansin pero hindi ito pinalagpas ni Isabella.
BINABASA MO ANG
To Capture His Heart
RomanceShe and her bestfriend came up with a plan... and that is to capture his heart. Language : Filipino, English