"Amore! Let's go na!"
Nag-aayos ako ng uniporme nang narinig ko ang sigaw ni Ace mula sa labas ng kwarto. Ang aga aga ang ingay niya. Napaka energetic.
Pinasadahan ko ng tingin ang aking kuwarto para siguraduhing walang kalat. Nang masiguro, lumabas na ako ng kuwarto nang bitbit ang aking bag.
"Napaka tagal mo naman yatang mag-ayos? Akala mo namang ubod ng ganda. Pasensiya ka na dahil mas maganda ako!" walang kwentang sabi ni Ace.
'Di ko nalang siya pinansin at nagsimula nang pumunta sa pinto. Ang tagal ko kasi nag linis pa ako ng kwarto. Hinahayaan ko lang siya sa kakasalita niya dahil kusang napapagod ang bibig niya. Kapag kasi sinaway siya ay mas lalo lang siyang mag-iingay.
Pagkarating namin sa school ay agad ding kaming nag hiwalay. Naluluha-luha pa si tanga na akala mong mangingibang bansa. Magkaibang course kasi kami. Business ang kinukuha niya. Ayaw daw niya ng course ko dahil ang alam lang daw niya ay ang kumain.
Tamad na tamad ako habang naglalakad. Masyado pa rin akong antok. Napakalayo pa ng building namin at fourth floor pa ako. Hanep. Kakapasok ko palang pero paniguradong mag-aamoy uwian na agad ako.
Pagka pasok ko ng classroom ay nakita ko na si Cyprian Gonzales, siya lang ang lalaking kilala ko na nuknukan ng kulit. Kung 'di ko alam na 'di siya type ni Ace, iisipin kong bagay sila. Kaklase ko siya sa lahat ng subject. He loves everything about food too. Kaya 'di na ako nagtaka kung bakit ito rin ang kinuha niyang course.
"Magandang umaga sa pinaka magandang si Amory!" pangbobola niya pagkakita niya sa akin. Napangisi naman ako at inirapan siya nang pabiro. Kinuha ko naman ang aking panyo at pinunasan ang kaunting pawis sa noo at dumiretso na sa aking upuan. Hindi na ako nagsalita dahil puyat pa rin ako dahil kay Ace kagabi.
"Ayos ka lang ba? 'Di ka ba nakatulog nang maayos? Bakit ganiyan ang itsura mo?" sunod sunod niyang tanong sa akin at inilapit ang kaniyang mukha. Umiwas naman ako sa kaniya sa pamamagitan ng pag hawi ng mukha niya palayo sa akin dahil hindi ako komportable.
"Si Ace kasi. Binwisit lang ako kagabi. 'Di ako nakatulog." antok kong sabi kay Cy nang mapansin kong nag aantay siya ng sagot.
Kumunot naman ang kaniyang noo. Malamang dahil 'di naman niya alam ang buong pangyayari. Bumuntong hininga ako at nag simulang mag kuwento.
Tumatawa naman siya sa kalagitnaan ng kuwento pero tumigil nang binanggit ko ang plano ni Ace.
"Paano pag may nangyari sayong masama?" nag-aalala niyang tanong.
"Paano mo naman nasabi eh 'di pa naman niya idinetalye ang plano niya?"
Kung sa bagay, 'di ko rin alam kung anong mangyayari sa akin sa binabalak ni Ace. Pero gusto ko siyang tulungan. Aba kahit abnormal siya, mahal ko naman iyon.
"Ah basta, Amory! Umatras ka nalang kaya?" pamimilit pa niya. Kibit balikat lang ang sagot ko dahil kahit sabihin ko kay Ace na aatras ako, mamimilit pa rin iyon. Ayaw na ayaw niyang napapahiya siya kaya siguro pursigido siyang bawian ang Eero'ng iyon.
Ano kaya ang itsura no'n?
Siguro pangit. Pero hindi naman nag b-boyfriend ng pangit si Ace. Teka, ano bang pakialam ko? Bahala na si Ace roon.
Umiling-iling ako sa kawalan at iwinala ang isipang iyon. Nahalata naman ng katabi ko kaya kinalabit niya ako.
"Ayos ka lang?" muling tanong niya. Sinimangutan ko siya dahil doon. Kanina pa siya tanong nang tanong kung ayos lang ako. Mukha ba akong 'di maayos? Hay.
BINABASA MO ANG
To Capture His Heart
RomanceShe and her bestfriend came up with a plan... and that is to capture his heart. Language : Filipino, English