Chapter 37

7.9K 164 28
                                    

Last night felt so vague. I remember how embarrassed I am that time. Hindi ko alam ang sasabihin ko no'ng mga oras na 'yon. I just kept on looking at my plate.

Rinig na rinig ko pa rin ang hiyawan ng audience no'n kaya tuwing naaalala ko 'yon, napapapikit talaga ako sa kahihiyan.

Aaminin ko, I don't know if I should be happy with what he said. We just met again after years. And I didn't even let him explain further last night. Naipon ang sama ng loob ko kaya no'ng nagkaroon na ng pagkakataon para ilabas iyon, wala nang tigil ang bibig ko. Maybe we could talk about it again next time.

He can be a good father to our son but I will not allow him to be a husband to me. Not ever.

After the interview thing Drexel did, we decided to go home. Emory's a heavy sleeper at totopakin siya kapag nagising siya nang hindi niya gusto. Eero sent us home kaso hindi niya nakausap si Emory dahil tulog na tulog pa rin.

I decided to let my staffs handle the café today to spend time with my son. He's currently eating some cereals without milk as a snack while watching some sort of cartoon on the television.

Si Takahiro ay gustong gusto na nasa café kaya siya ang nandoon ngayon imbes na ako. Samantalang si Ace, kahit gustong pumunta rito, hindi niya magawa dahil may trabaho siya. Ayos lang naman iyon at naiintindihan ko siya.

"Drink lots of water, a?" I reminded Emory which he nodded as an answer without removing his eyes on the tv.

Naghuhugas ako ng mga pinggan dahil kakatapos lang ng lunch namin. Pagkatapos nito, tatabihan ko siya para makinood. Hindi ko na siya masyadong nakakasama dahil palagi akong nasa café kaya gusto ko talagang bumawi ngayong araw.

When I'm done washing the dishes, pumunta agad ako sa tabi ni Emory para manood. He kept on laughing while munching some cereals. Natakot pa ako na baka mabilaukan pa siya kaya imbes na manood, sa kaniya ako nakatingin.

I was busy staring at my son when I was disturbed by the doorbell. I took a glance at Emory before going to the door.

Si Takahiro ba 'to? Bakit ang aga naman niya umuwi?

I opened the door and my eyes immediately went wide when I saw Eero. He's just wearing a hoodie. Hindi rin naka wax ang buhok niya ngayon kaya nakabuhaghag ito. Bigla kong namiss pasadahan ng mga daliri ko ang buhok niya.

"What are you doing here?" I asked him.

He smiled, "I want to see my son."

Napakamot ako sa ulo dahil sa sinabi niya. Malamang, Amory. Ano pa ba ang gagawin niya rito?

I sighed and opened the door wider to let him in. Doon ko lang napansin ang mga dala niyang plastic.

"Wala kang trabaho?" tanong ko sa kaniya habang papunta kami sa sala.

Tumingin siya sa akin, "I'm on leave."

Nanatiling nakakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya but I chose to shut my mouth. Bahala na siya.

Nang makarating kami sa sala ay agad napalingon sa amin si Emory. Parang nagtaka pa siya kung sino ang kasama ko.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon