Chapter 7

4.9K 174 48
                                    

Boyfriend ko raw si Eero? Pala-desisyon din pala itong si Tita. Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niyang iyon.

"Palabiro ka talaga, Tita Celine! Na-try niyo na po bang mag audition sa banana split?" kunwaring natatawa kong sabi sa kaniya pero hindi siya tumawa. Si Drexel at Marcus lang 'yong tumawa nang malakas dahil sa sinabi ko.

Ganiyan talaga si Tita. Ilang beses nang napagkakamalang boyfriend ko ang kung sino sino. Kahit nga 12 years old ako noon, tinanong niya ako kung boyfriend ko ba ang kalaro ko sa chinese garter. Halata namang bakla ang kalaro ko!

At nung nag 18 na ako, si Mommy ay nakisali na rin sa pagtatanog. Puwede na raw kasi ako mag boyfriend 'di naman daw nila ako pipigilan pero ako mismo ay wala sa isip ang mga ganoon.

"Hindi naman ako nakikipagbiruan, Amory." inosente niyang sabi. Umiwas ako ng tingin sa kaniya para tignan si Eero sa likod. Kunwari pang walang narinig ang isang 'to! The other two are pursing their lips to prevent themselves from laughing.

"Hindi ko po boyfriend 'yon tita. He's just an acquaintance po." pagkaklaro ko sa tita kong malisyosa at ipinulupot ang mga braso ko sa kaniya para ayain siya sa kusina. Tango lang ang isinagot niya sa akin. Halatang 'di siya kumbinsido sa sagot ko.

Pero ayon naman ang totoo!

"Awts. Acquaintance zoned." rinig kong bulong ni Marcus mula sa likod ko.

"Shut up." rinig kong napipikong sagot ni Eero sa kaibigan.

Kung mag asaran sila ay para silang mga teenager. Hindi ko na ulit nilingon ang tatlo at dumiretso na sa kusina.

"Oh bakit kayo sumunod dito?" tanong ni Tita nang mapansin ang tatlo.

Humarap ako sa kanila at nakita ko nga silang nag aabang sa countertop.

"Doon na kayo sa dining table maghintay. Magluluto itong si Amory." dagdag ni Tita nang mapansing walang balak magsalita ang tatlo. Wala na silang nagawa kundi ang sumunod. Hindi na ako umangal sa sinabi niya dahil tuwing bumibisita ako rito, kailangan may niluluto ako para sa kanila.

Gusto ko talaga magpatayo ng isang pastry shop. I love pastries pero I can cook a lot of dishes naman. I don't limit myself on pastries only.

"What are you going to cook today, mi amore?" nakangiting tanong sa akin ni tita. I've been craving for lasagna these days so I decided to cook that for dinner. It's my favorite since I was a kid kasi si Mommy, ayon din ang paborito niyang lutuin para sa amin ni Drexel. Pagkatapos ng bawat laro namin, asahan mong may lasagna na nag aabang sa amin sa hapag.

Tumango si tita at tinapik ako sa balikat para mag paalam. Magpapalit lang daw siya ng damit sa itaas.

Pagkaalis niya ay agad kong hinanap ang ingredients. Kumpleto naman sila sa gamit. Nagulat pa nga akong may pasta sila roon na para sa lasagna. Kahit masakit ang likod ko ay pilit kong 'di indahin dahil baka makaapekto pa sa pagluluto ko.

Naeexcite ako habang nagluluto. Sinigurado kong maraming cheese ang malalagay ko. I don't know if they'll like it with overflowing cheese but I love it that way.

I took the tray out of the oven. Muntik pa akong mag laway nang makita ang sobrang daming cheese.

I carefully walked out from the kitchen while holding the tray of lasagna with a pot holder. Naabutan ko silang nakaupo na sa dining area.

Nang makita ako ng ilang kasambahay ay agad na nila itong kinuha mula sa kamay ko. Nginitian ko sila at dumiretso na sa puwesto ko.

"Nagluto ako ng lasagna. Sana magustuhan niyo."

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon