Chapter 12

4.4K 181 97
                                    

"Taralets!" rinig kong sigaw ni Ace. Narinig ko na rin ang pagbukas ng pinto ng van.

"Oh my gosh! Solstice girl let's take a picture na!" si Isabella, panigurado.

Nanatiling nakasara ang mga mata ko. Hindi ko pa rin kaya gumising. Parang kulang pa talaga ang tulog ko.

"Lower down your voices." Eero's deep voice made the whole van quiet. Narinig ko ang bulungan nila at ang paglabas nila sa van.

Unti-unti ko nang idinilat ang mga mata ko. Kinusot ko pa nang bahagya para makapag adjust. Umupo na ako at tumulala muna, still not recovering from my sleep.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Eero, "Ready to go?" tumango ako sa kaniya kaya nauna na siyang bumaba bitbit pa rin 'yong bag ko. Pangarap niya talaga sigurong maging yaya ko.

Pagkababa ko ay agad kong nakita ang signage ng beach resort na pinuntahan namin.

Villa La Isla

Nakita kong nag p-picture na sila Ace at Isabella. Sa ganiyan sila nagkakasundo. Paglapit ko sa kanila ay agad akong hinila ni Ace para makasama sa picture. I smiled awkwardly at the camera when I saw Eero looking at me.

"Hoy tara rito! Picture!" sigaw ni Ace sa apat na lalaki. Lumapit naman sila sa gawi namin. Ace even called someone just for them to take pictures of us. Nakakahiya.

Pagkapasok namin sa reception area ay nakita ko agad kung gaano ka-sosyal ang lugar na ito. Si Isabella ang pumili nito dahil ang tito niya raw ang may-ari ng Villa La Isla.

"Welcome to Villa La Isla!" The staffs greeted us. Nginitian lang namin sila samantalang si Ace at Isabella ay kumaway pa.

Lumapit na ako sa receptionist. Siyempre, sumunod si Eero.

"Good day ma'am and sir! I'm Arria." bati ng receptionist. Hindi naman necessary ang pag banggit ng pangalan dahil may nameplate sila! Halata ko ang pag papa-cute niya kay Eero. Napairap ako.

"Kayo po ba 'yong friends ni Ms. Isabella?" she asked, nakatingin pa rin kay Eero. He didn't answer kaya tumango na ako. Sige subukan mong makipaglandian diyan Eero.

She handed the keys and didn't say a word anymore. Nahalata niyang wala ako sa mood ngayon. Tumalikod na ako at iniwan si Eero. Magtitigan sila magdamag.

Ramdam ko ang pagsunod niya, "Jealous, huh?" he teased. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka mahampas ko pa sa kaniya ang bag na dala niya.

The suite was so big. Kasya ang tatlong pamilya rito kung tutuusin. Mayroong 3 bedrooms, kitchen, a big entertainment area and a big bathroom with a bath tub.

Sa isang kwarto ay may tatlong single sized beds kaya sama sama kaming tatlo nina Isabella at Ace sa isa. 'Yong tatlo ay magkakasama rin samantalang kay Cyprian na ang isang kwarto.

Inayos na namin ang mga gamit na dala namin. Kakain muna kami ng lunch bago mag swimming. Balak namin kanina na maagang umalis kaso nga nakatulog ako. Nakapagpalit na agad ng panligo sila Eero.

The lunch went well. Ang sasarap ng pagkain nila rito. Mababait din ang staffs. Definitely five stars for them.

Bumalik na kaming mga babae sa room namin samantalang 'yong mga lalaki ay nauna na sa labas.

"Magpalit ka na girl!" Isabella exclaimed. Tinanguan ko siya at kinuha na ang susuotin ko.

Nagpalit na ako ng suot. I'm wearing a navy blue two piece bikini and a knitted long sleeve cover up. Inilagay ko na rin ang shades ko.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon