"I'm right behind you," bungad ko sa tawag niya mula sa kabilang linya.
"P*ta," he mumbled in shock nang makita nga akong nasa likuran niya.
"Huwag mo akong minumura," sabi ko para warningan siya.
I chuckled. Tinapik ko ang balikat niya. I want to have him... Now... This night.
"Sisikatan ka pa mg araw... That was only a joke. I won't kill you," I laughed.
"Kailan ka ba titigil?" Inis siyang napahilamos sa mukha.
"Kapag nakuha ko na ang gusto ko," sagot ko.
"Ano ba ang gusto mo kung ganon? Pera?" Sigaw niya sa akin.
"Ikaw," walang alinlangan na sagot ko. "Ikaw ang gusto ko."
Natahimik siya at napatitig sa akin. Para niyang pinag-aaralan ang mukha ko. Stare at me, no matter how long you want... Magsawa ka lang. Dahil pagkatapos nito, kulong ako sa tatay ko.
"Kumain ka na?" Biglaan niyang tanong.
Hmmm... Is he inviting me for dinner? Really?
"Doesn't mean that I'm asking you, I'm in with your plans," paninigurado niya. "Baka nakakalimutan mong natatakot pa rin ako sa'yo."
"Shut it! Cut it, cut it," pamumutol ko sa kanya. "Hindi kita sasakmalin. Wala kang dapat na ikatakot... Sabi ko namang ligtas ka sa akin... Sa tabi ko," paninigurado ko rin. "Do you want money? Baka iyon talaga ang gusto mo para sumama ka lang sa akin?"
"Hindi ko kailangan ng pera. Baka ikaw pa bilhin ko para lang mawala na," mayabang na sagot niya. "And for fuck's sake! Hinaan mo naman boses mo. You're too loud!"
He leaned forward and said those words that left an impact on my nose. His breath smells good... Mixture of mint and soda.
Damn? Natapakan ang ego ko roon.
"Hoy!" Turo ko sa kanya. "Dahandahanin mo mga dinadada mo!" Babala ko sa kanya.
"Huwag mo akong mahoy-hoy! Ikaw ang may kailangan sa akin, yabang mo!" Tulak niya sa kamay ko.
Napangiwi na lang ako at nagtimpi sa pang-isang libong beses.
"Saan tayo kakain? Para makapag-usap tayo," ngiti ko.
"Walang tayo." Panimula niya bago ituro ang kainan ng noodles sa may tapat.
It's not that fancy. It's a simple food chain.
"Masarap diyan, huwag kang maarte," tulak niya sa akin nang mapansing hindi ako naglalakad.
"Siguraduhin mo kung hindi ikaw ang kakainin ko," babala ko.
"Okay," he chuckled. "Mas masarap ako kesa sa noodles," mayabang na sabi niya at inunahan ako sa paglalakad.
So this is how a calm Zion act? Palabiro at napapakisamahan. Natawa na lang ako sa hangin. Am I getting him?
"Hindi pa!" Sagot niya na para bang nabasa nito ang isipan ko.
"Makukuha rin kita. Ang mga katulad mo ay halik lang ang katapat... Kung kailangang gawin ko iyon ay gagawin ko," paniniguradong bulong ko bago kami pumasok sa noodle house.
Siya ang kusang umorder at agad rin itong ibinigay. Wala siyang naging imik sa paghihintay namin ng pagkain. Nakatitig lamang siya nang mabuti sa akin at nag-iisip kung ano ba ang magiging desisyon.
Naiilang tuloy ako sa titig niya.
"Stop it," usal ko. "Even if you'll say 'no' repeatedly, you will end up saying yes. Just say 'yes', doon ka rin pupunta, Mr. Flinn," seryosong sambit ko.
BINABASA MO ANG
Scent of Eclipse
ФэнтезиRuby, a powerful werewolf that holds a deep grudge against her pack, was assigned to bring the enemy of their clan down to end the war. She encounters Zion, a man who wants her to help him find the werewolves who murdered his parents and took his si...
