"Isn't she the knight wolf from the east? Iyong kasama ni Raven?" Bulong sa akin ni Zion habang tinititigan namin ang babaeng kasama ni Havier.
"She is." Sagot ko.
The mask on the right part of her face was not there. Tumambad tuloy ang sugat doon pero hindi naman ganoon kalaki. She's beautiful, I can say. Hindi hilig ni Havier ang mga babae na seryosohin. I wonder what got him to fall in love with this girl, at sa kaaway pa.
"Bitiwan mo ang anak ko!"
Napatingin kami lahat sa pintuan. Nag-aalab na Rashea ang pumasok at marahas na sinampal ang batang knight wolf ng mga silangan. Kaagad na napatayo ang lahat sa kinilos niya. Maging ang mga guwardya sa tabi namin.
"Ma!" Suway ni Havier sa kanya.
Namumula ang mukha ni Brina dahil sa ginawa ni Rashea. Tumulo ang luha mula sa mga mata niya.
"Bakit nandito 'to?" Sigaw niya.
"Don't try to touch her, Mom!" Depensa ni Havier.
"Rashea, calm down. Masisira ang mga plano." Pigil ni Kuya sa kanya.
"Havier, get away first." Utos ko sa kanya.
"Pero-
"Trust me." Pagbibigay ko ng tiwala sa kanya.
Binitawan niya ang kamay ni Brina. Bahagya siyang lumayo ngunit hindi niya inalis ang mga mata kay Brina na parang gustong-gusto niyang abutin siya. Hinigit ko ang kamay ni Brina at bahagyang itinago sa likuran ko para harangan mula sa kapatid ko.
"She'll be fine." Bulong ni Zion kay Havier.
"What do you think are you doing, Rashea?" Mainit na tanong ko sa kanya.
"Pamilya ko 'to. Ako ang magdedesisyon para sa anak ko." Galit na tugon niya.
"Let them speak first... Why are you acting like you've never been in this situation when you betrayed me too?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Get out, Ruby. Ano, masaya ka na nakikitang ganito ako?"
"Who wouldn't?" Pranka ko. "Masayang-masaya." Tango ko.
"How dare you?"
Namanhid ang mukha ko sa sampal na binigay niya.
"Ansarap panoorin na miserable ka." Bulong ko sa kanya. "Pero naalala ko, hindi nga pala ako maninira ng pamilya katulad mo. Hindi ko kasi kayang nakikita na may hindi napapakinggan dahil sa pagiging makasarili mo." Diin ko at hinila palayo si Brina.
"I'm here to surrender." Mahinang aniya habang nakatingin sa akin.
"Glad you're doing the right thing. I'm defending you but that does not mean, I am with your side."
"Thank you for hearing me, Ruby." Magalang na yuko niya.
Tumutulo ang mga luha sa mga mata niya dahil sa pangungulila at kawalan ng alam kung saan ba siya lulugar.
"Will you please sit down, Haji's." Malalim na utos ni Alpha Vulcan.
"Rogue, ganito ba umasta ang lahi niyo?" Pang-iinsulto ni Alpha Marcus, looking at Zion.
"Bawat pamilya may kanya-kanyang problema. It's a joke if your clan do not act the same way, right?" Sarkastikong sagot sa kanya ni Zion.
Nagulat ang lahat sa pag-sagot niya. Natural na may galit siya kahit na hindi niya kilala dahil kilala nito ng kalahati niya. Kilala siya ng kaluluwa ni Zion.
"I'm sorry about that, Alphas. Please understand." Sabat ni Mama para maputol ang tensyon.
"I can't see any progress, Alpha." Si Marcus.
BINABASA MO ANG
Scent of Eclipse
FantasíaRuby, a powerful werewolf that holds a deep grudge against her pack, was assigned to bring the enemy of their clan down to end the war. She encounters Zion, a man who wants her to help him find the werewolves who murdered his parents and took his si...
