Chapter 62: Cliff

189 12 1
                                        

I kept running in the woods to go back where the last fight happened. Nablablanko ang isipan ko. Wala akong ibang pinakinggan kung hindi ang sarili ko.

Kung hindi ko matutupad ang pangako kong hindi kita sasaktan, hihilingin kong matutupad ang pangako kong hindi ka masasaktan ng iba. Kumapit ka lang diyan, Zion... Hintayin mo 'ko. Hindi kita pababayaan. Hintayin mo 'ko katulad ng ginawa ko sa'yo.

"Zion..." I heard myself called his name while running.

I will face this cliff alone.

Sumabit ang damit ko sa isang sanga. It gave me a deep open cut. Napaluhod ako sa sakit pero wala ng panahon. Umaagos ang dugo mula sa hita ko habang binibilisan ko ang takbo.

Pinahid ko ang luhang nagpapalabo ng tingin ko sa daan. Hinahawi ko ang mga sangang humaharang hanggang sa narating ko ang kuweba.

"Zion!" I called but no one is here.

Isang sulat ang nasa batuhan kaya kaagad ko iyong pinulot. Binuksan ko iyon para basahin ang nasa loob.

"Mountain ash, here in the cliff. Inside the cave where the Rowan tree was planted."

She did it. She used the Rowan tree to revive her spirit. It is the tree used by the early wolves who died and cannot pass to the afterlife to revive their spirit. Their spirits will live again to find a body to possess. 

Why are you doing this, Lysandra? Did my mother hurt you that much?

They will live again as an immortal in another wolf's body. The only way to kill their spirit is to find the last man standing who still loves them. The last man or any living immortal who still wait for their return is the only person who can kill them by burning their last memory.

"Reis?" Sagot ko sa tawag niya.

"Did you go there by yourself?"

Tinignan ko ang sulat.

"Don't ever call an alliance or else he will die."

"Don't follow me." Sagot ko.

"He's not there!"

"I know... Whatever happens, don't come here Reis. Do not come to save me."

"Hey! Listen... He's not there! Umalis ka na at huwag nang tumuloy! Nagmamakaawa ako sa'yo... Ruby, tama na... Bumalik ka na kay Kuya."

A smile formed my lips when I heard him almost cried. Dinig ko ang mahinang pagkawala ng hikbi mula sa kabilang linya.

"Thank you for understanding me." Bulong ko habang pumapatak ang luha sa mga mata ko. Do I need to say goodbye?

"What are you saying? Ruby! Bumalik ka na rito!"

"Thank you being there... For taking my side... For everything, Kuya. Mahal kita."

"Ruby... Balik na... Nasa tapat ako ng pinto, balik ka na." He pleaded.

"Ruby? Huwag kang tumuloy... Ruby, iligtas mo ang sarili mo. Bumalik ka na rito." I heard Ulfa's voice.

"Ulfa..." I cried her name. I want to cry for help but I can't. I should do this alone.

"Bunso, uwi na..."

I cried harder when Reis said those words.

"Patawad... Mahal kita, Kuya... Kayong dalawa ni Ulfa ang naging kakampi ko sa lahat. Paalam..."

Binaba ko ang telepono. Nanghihina ang mga kamay kong pinunit ang sulat na iniwan niya.

Bumagsak ang katawan ko sa bato pero hindi ako nawalan ng lakas. Ginamit ko ang abilidad ko para mabilis 'yong marating. Bumigay ang tuhod ko nang makita ko siyang nakatayo sa loob ng kuweba, sa tapat ng puno.

Scent of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon