Chapter 13: Family

373 35 6
                                    

"Binigla mo ako kanina... Sana man lang ipinaalam mo nang palihim," I said while caressing my cheeks. "Iba ka rin. Bigla-bigla kang nanghahalik."

"Puwede ko bang ulitin nang hindi ka mabigla?"

I looked at my side when he said that. Sana pero sa lips.

Umupo ako sa tabi niya at tiningnan siya sa mukha.

"Are you sure you're fine?" Paniniguradong tanong ko habang tinititigan ang mukha niya.

He laughed at me. May nakakatuwa ba? Hindi ko alam na nakakatuwa pala ngayon kapag tinatanong mo kung okay ang isang tao.

Tinignan ko siya nang masama at kinuha ang kutsara para kumain. Umaga na at wala na si Conard. Sinundo siya ng anak niyang panganay, si Havier. Iyong pumatol sa babaeng umatake kagabi.

Sana hindi na siya tumapak pa rito. Kaunti na lang ay magbakbakan sila ni Zion.

Why am I keep on thinking that you're jealous, tho? I wish you could just stop acting that way. Stop showing care. Stop making me feel that we can still hold on even if it's impossible.

Whether it rains. Whether it snows. Whether the storm comes. Whether the sun shines... Whether the petals wilt, I still keep on waiting that you will come back and ease all the pain you have given me...

Do I still love him? Do I still want him?

Kung oo man... Wala akong hihilingin kung hindi ang matapos na lang 'to. Ngunit paano? Kung sa bawat panahon na pipiliin kong tumalikod ay bumabalik siya para mag-bigay ng kaunti pang pag-asa? O ako lang 'tong umaasa?

Siguro ay akin lang ang pakiramdam na 'to... Dahil sigurado akong kung ano man ang nararamdaman niya ay tanging konsensiya na lamang... Dahil ang kapatid ko ang mahal niya. Siya lang ang taong pipiliin niyang mahalin.

"Hey... I'm asking you," pambabasag ko sa katahimikan.

"Iang ulit mo bang tatanungin? Sabing maayos ako," iritang sagot niya sa akin.

"Ah naiirita ka na kinakamusta kita?" Inis na sambit ko at lumakad papunta sa kanya na nag-aaral ng family tree.

"Oo... Kanina ka pa eh. Sinong hindi maiirita?" Pabalang na sagot niya.

"Sumasagot ka na ngayon?" Buwisit na singhal ko sa kanya.

"Nagtatanong siguro?" Pamimilosopo niya. "Lakas ng boses mo."

"Hey!" Sita ko sa kanya. "Sa ating dalawa ako ang boss!" Turo ko sa kanya.

Inis nitong nilapag ang album. Nagdabog ang king ina. Nagawa niya pang tumitig nang matalim at umirap.

"Wala akong maalalang kinilala kita bilang boss, half human, half animal," natigilan ako sa binansag niya. "At isa pa, deal ito... walang boss boss. Kapal mo naman."

"F*ck you!" Malutong na mura ko sa kanya. "Ikaw ang makapal, feel at home ka sa pamamahay ko!" Sumbat ko at ibinato ang unan sa kanya.

"Asawa mo 'ko 'di ba?" Hinila niya ang pulsuhan ko at ibinagsak sa katawan niya sa sofa. "Tahanan... natin. Pamamahay natin," diin niya sa tapat ng bibig ko.

Napalunok ako at umiwas ng tingin nang ilapit niya ang mukha sa akin. It's only centimeters away from his lips. Kaunti na lang mahahalikan ko na siya. But I don't have any plans to do it... Hindi ko lang alam sa kanya.

Ramdam ko ang init ng hininga niya sa panga ko dahil nakatagilid ang ulo ko. It smells fucking good...

Move away! Hindi ko mapigilan ang uhaw...

Hinarap ko pa ang mukha ko at imbis na umiwas ay hinamon ko ito nang titigan. Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at pinagmasdan na bahagyang magdampi ang mga ilong namin. Nababaliw ako sa titig niya at nalalason... Uhaw na uhaw ako sa tuwing siya ang tinititigan ko.

Scent of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon