Chapter 05: Run away

591 65 4
                                    

"Oh? Miss?" Kaway niya nang makasalubong ako sa daanan. Halatang hindi niya alam na kanina pa ako nakasunod dito.

Dinilaan ko ang gilid ng labi ko matapos nguyain ang natirang candy bean na kanina ko pa kinakain. Nakatitig lang ako sa kanya. He's seriously smiling... He's so hard to read and I am not liking it.

"Mukhang palangiti ang nakuha mo," tukso ni Xeres. "Mauuna na ako kung ganon, hihintayin ko na lamang kayo," bahagya itong natawa sa mga pinaggagawa ko.

"Okay po, ingat," tango ko sa kanya.

"Ingat ka rin, anak," paalam niya.

"Zion!" Tawag ko at kumaway sa kabilang kalsada.

Ang ganda ng pangalan...

Sa titig niya sa akin ay hindi niya namalayan ang truck na paparating. Nawala kaagad ang pagkasabik sa akin.

Napilitan akong gamitin ang kakayahan ko. Tumakbo ako nang mabilis na halatang hindi nagustuhan ng lobo sa loob ko dahil sa pakikialam ko sa isang misteryosong mortal.

Sa paghila ko ng kamay niya ay amoy ko ang kakaibang dugo na dumadaloy sa kanya. What on earth is with this man? Sumandal kaming pareho sa isang puno. Hindi ko maiwasang pumikit at amuyin ang kanyang leeg.

Hindi ko mapigilan...

I touched his shoulder and breathed heavily. Inilapit ko ang labi ko roon. Mabilis din akong nakapagpigil nang magsalita siya.

"Oh fuck! Did you get hurt?" Mura niya nang masandal kaming pareho sa puno malapit sa traffic light.

"No," nanghihinang usal ko at pinagpag ang braso. Ngumiti lang siya at muli akong sinuri.

"Nasaktan ka ba?" Pagklaklaro niya.

Nagsasawa ako sa boses niya... Wala pa akong nagagawa sa kanya ngunit ramdam kong maging ang sarili ko ay naguguluhan at gustong-gusto ko na siyang makasama.

Hindi ko matukoy kung dahil ba ito sa pagkasabik ko sa kanyang dugo o sa paulit-ulit niyang pagtatanong kung maayos ba ako... Isang bagay na wala pang nakagawang gawin sa akin... Ang tanungin kung maayos ba ako.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan," higit ko sa kuwelyo niya.

"Hey... Maayos lang ako. Hindi mo 'ko kailangang kuwelyuhan," he startled as I glare at him.  "You got..." Itinuro niya ang siko ko gamit ang nguso. "Nasugatan ka."

Pinakawalan ko siya at lumingon doon. Unti-unti itong nawawala kaya tinakpan ko kaagad.

"It's fine. Don't mind it," ani ko.

Matamis siyang ngumiti.

I pity you, Zion. Hindi niya alam na akin na siya. Hindi niya alam kung ano ang mga susunod na mangyayari sa kanya.

"You're fast," bungad niya. "I was passing by when I saw you... I have something to say," he started.

Tungkol 'yan sa singsing, alam ko. Nagkunwari muna akong hindi ko alam 'yon. Pangiti-ngiti ako ngunit alam kong sa mga susunod na oras ay magwawala na 'to sa ginawa ko.

"About this ring. I want to return this... But I can't remove it," sinubukan niya itong alisin nunit hindi niya magawa. "See? Can you help me remove this?"

I chuckled to tease him. Sinubukan kong alisin iyong akin ngunit hindi ko rin magawa kaya tinawanan ko na lamang siya. Bahagya kong nahalata ang kaunting inis na namamayani sa kanya.

"Hindi ko rin maalis. Ano na lang ang gagawin ko?" Tawa ko sa kanya.

"Hindi ako nakikipagbiruan dito, Miss," natigilan siya dahil hindi niya alam ang pangalan ko.

Scent of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon