Chapter 60: Don't leave me

227 10 2
                                    

Zion

"Ma... Pagkatapos nito, hindi na tayo tatakas hindi ba?" She smiled at me. Like she was so sure about that smile.

"Hindi na natin kailangang tumakas. Ikaw, ako, ang Papa mo at ang Ate, mo, maninirahan tayo sa ibang mundo kung saan walang mananakit sa atin."

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nila ako kailangang kunin. Binigyan niya ako ng yakap matapos ang mahabang pagtingin ko sa kanya dahil sa labis na pagtataka. 

"Kaya ikaw... Tigil-tigilan mo na 'yang pangungulit mo para hindi ka kunin!"

"Ikaw naman nagturo sa akin paano maging makulit-

"Kita mo Papa? Nananagot na rin! Manang-mana ang anak mo sa'yo." She laughed after teasing me so I did too.

"Wala akong ibang gusto kung hindi ang maging masaya kayong dalawa. Kahit na ikamatay ko, ililigtas ko kayo. You need to live no matter what. Zion... Hindi mo iiwanan ang Ate mo. Hindi kayo magkakahiwalay, ipangako niyo 'yan."

Pumikit ako habang inaalala sila. I leaned my back on the post to cover my face.

He did it. He saved us. Pero anong silbi na nailigtas kami kung lumaki kaming hindi kilala ang isa't-isa? I thought, I will run to her to hug her but I was wrong. I didn't know her. She was like a stranger to me and I'm afraid. Maski sarili ko hindi ko na makilala. 

"Saan ka pupunta? Akala ko ba sasamahan mo 'ko? Bakit ka aalis? Iniwan na tayo nila Mama at Papa, pati ba ikaw, Ate?"

"Babalikan kita, Zion. Mag-aral ka nang mabuti. Mag-aral ka ng mga numero dahil sa ngayon... Hindi ka muna matuturuan ni Ate, okay? Okay ba 'yun? Aalis muna ako tapos hahanapin kita ulit... Pag-balik ko, dapat maayos ka na? Magpapakabait ka. Huwag kang magpapasaway dahil kakainin ka ng halimaw."

"Nagsisinungaling ka."

"Wala ka bang tiwala kay ate? Look... Hindi kita makakasama, Zion. Hindi kita maproprotektahan at mababantayan."

"Nagagalit na ako, ngayon pa lang. Paano kapag lumaki na ako at sisihin kita na iniwan mo 'ko?"

"Sorry... Hindi baleng iiwanan kita...hindi kita makikitang lumaki basta malayo ka sa panganib. Heto lang kasi ang tanging paraan para matupad ko ang pangako ko kina Mama at Papa. Heto lang ang paraan para maprotektahan kita... Kaya okay lang na magalit ka sa akin basta ligtas ka, okay?"

"Lahat kayo iniwan ako. Para saan pa na sinabi niyo noon na pamilya tayo kung lahat kayo iniwan ako?"

"Stand up, we need to go."

Ayokong bumitaw.

"Aalalahanin mo 'ko Zion...Crystal. Tandaan mo ang pangalan ko. Hanapin natin ang isa't-isa! Mangako ka sa akin!"

I gulped an air for what I did. Damn, I can hear her screams from here. The forces are howling. She almost lost her child because of me. She almost lost her life because of me. Is this how being a monster feels like? Is this what Ruby fears? To be like this... She fears the most being this kind of person. And I'm scared with it too...

Why do I need to feel guilty for Crystal when she hurt me first? Nangako siya noon sa akin na kahit magkahiwalay kami hahanapin niya ako. But what did she do? She wished to forget me. She wanted me gone. She wanted me out of her life.

You don't need to blame yourself for being left alone. You only have it. You only have yourself.

That's what she said. Siya mismo ang nagsabi na sarili lang ng isang tao ang mayroon siya. Then I'm sorry, Ruby for hearing it... Sana hindi mo itinuro sa akin 'yan para hindi ko alam kung paano maramdaman ang bagay na 'yan. Sana hindi ko iniisip ngayon na kayong dalawa ng kapatid ko ay parehong manloloko at traydor. 

Scent of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon