Chapter 26: I Don't Understand

295 14 3
                                    

Zion's POV

Did I hear the right thing? I was waiting for her. But... Is she pushing me away? Did I hear the right thing?

Umiling ako at hindi ininda ang luha na nagbabadya sa mga mata ko. Anong kakalimutan?  Nasanay na ako na nandiyan siya sa tabi ko pagkatapos ay gusto niya akong makalimot? Para saan? Hinang-hina ako.

I just... Fell in love... The moment I saw her I never thought of time. Why is it so fast for me to fall or why is it so slow for me to wait. I never thought of what she feels.

"Ruby... What's the matter? May masakit ba? Gagamutin ko ang mga sugat mo. Come on, tell me... I will not leave... We made our promises, right?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang umaasa na nagkamali ako ng narinig.

"Don't be a love sick fool, Zion. Wake up because I did not love you anyway. It was all nothing so stay away from me. Your presence makes me sick," pranka niya.

Nanuyo ang lalamunan ko nang bigkasin niya 'yon. Para akong binasag at binawian ng buhay sa narinig. Hindi ko alam ang sasabihin ko at tanging pagluha ang nagawa ko sa harapan niya. I've never been this scared. I'm scared not to see her.

"Let's go inside. Sugat-sugat ang katawan mo. Kailangan mong magamot—

"Zion, stop! Stop and leave!"

She dropped my hand and tried to walk away. I can see how scared she is. With every step she takes, she's so afraid.

"Ruby—

"I don't love you and I just can't! I can't love you so I need you to go! Please! I'm begging you to just leave!"

I want to freeze but I can't. I don't want to leave her. In that condition? I won't...

"What are you saying?! What about the kisses you did? Pagkatapos mong iparamdam na dapat akong manatili kahit na nilulunok ko ang bawat minuto na hindi ako ang mahal mo at ginagamit lang natin ang isa't-isa, ipagtatabuyan mo ako nang ganito?" Hinakawan ko ang sugat sa leeg niya. "Did you hurt yourself?"

"Gusto ko kayong mawala lahat! Lahat kayo! Maging ikaw! Kakalimutan mo ako at babalik ka na sa buhay mo dahil hindi na kita kailangan! Hindi mo na rin ako kailangan!" Sigaw niya at walang kahit na emosyon ang nanalaytay sa boses niya.

Napailing ako habang iniisip ang mga sinasabi niya sa akin. Panaginip ba ang mga sinasabi niya? Am I still in a deep sleep? Kasi kung oo, gusto kong magising dahil hindi ko 'to gusto.

"Ruby... I'm falling... Bakit ngayon mo lang ako ipagtatabuyan? Pinipilit kong manatili kahit na naninikip ako sa bawat lingon mo sa kanya. Kahit na alam kong iba ka, naging bulag ako sa mundong alam ko... Iniwan ko ang mundo ko para maging bulag sa'yo."

"Kakalimutan mo na ako," tinapat niya ang palad niya sa akin ngunit hinawi ko ang kamay niya at hinila siya palapit.

"Tutuparin ko ang mga bagay na gusto mo ngunit hindi ang mga salitang lalayo ako."

She's so empty… She's so scared of everyone here around her, so I wrapped my hands around her body tightly. I want to avoid letting her go. Please, don't go… I know she only wants warmth and home. If she does, then I'll give her what she wants.

"Bawiin mo ang mga sinabi mo," pagmamakaawa ko sa kanya habang yakap-yakap siya. "Bawiin mo please... Hindi na ako hihingi ng kapalit basta't huwag mo akong pakawalan."

Umiling siya at itinulak ako palayo. Why? I want to know what happened to her and mend her heart. I promised to protect her, accept her, and take care of her. I can't break that. I can't because I love her.

Scent of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon