Chapter 53: Fall of Raven

160 9 0
                                    

"Why sudden declare it now? We can't just move like this! No plans, no tricks, just move?" Hindi makapaniwalang dabog ko sa mesa habang lahat ng nasa pagpupulong ay nakatitig sa akin.

"Ruby, this is to end the war. Masyado nang matagal. Raven became silent after the encounter in the Academy. Hindi natin alam kung ano na ang kinikilos niya. I'm bothered with my clan." Vulcan said in a calm tone but I can still sense his authority. 

"The Gozmo's are safe, Alpha. You have nothing to worry about. If you want, you can just leave this to us." Sagot ni Rashea na kaagad niyang pinutol.

"Mrs. Jacquer, our lace is with your husband." Paalala ni Vulcan.

Natahimik ang lahat hanggang sa nagsalita si Conard. Damn this, how about the northern lace? It's still with Zion!

"You know... We want to end this too but Alpha, time ticks. We don't know when will the eastern clan explode again. We need a day to plan then let's end this." Conard said.

"You need a day? They have a big interest with our lace na nasa isang mortal ngayon! Wala siya rito... A day is too long. It's twenty-four hours, remember." Marcus exclaimed.

Edi ikaw na ang pumunta, impokrito. Buti sana kung may ambag, puro upo lang naman ang ginawa. Sarap bangasan.

"Where is he, Ruby? He should be here." Papa asked to find Zion.

Wala akong nagawa kung hindi lumunok nang paulit-ulit. Wala na. Wala na siya, iniwan na niya 'ko. Sawa na raw siya. Napagod na raw siya. Pati ako napagod na rin. Sa sobrang pagod, gusto kong isa-isahin na lang ang mga nandito at kainin sila nang buhay.

Binura ko lahat ng magugulong bagay na nasa isipan ko saka umayos ng upo.

"We can give the lace to you, Marcus then go with us. Tignan natin bangis mo-ouch! What the hell Reis!" Sigaw ko nang sipain niya ako mula sa ilalim. "Why did you kick me?" Inis na sigaw ko.

"Me? Sinasabi mo? Hindi kita sinipa!" Maang-maangang saad niya. 

Totoo naman. Puro satsat lang 'yang taga Norte na 'yan. Puro yabang wala namang binatbat. Ayaw lang ni Reis na batuhin ko siya ng patama dahil baka hindi ibigay si Ulfa sa kanya.

"Where is Zion, Ruby? May problema ba?" Takang tanong ni Mama.

"LQ sila-

"Ruby ka?" Pamumutol ko kay Rashea pero ngumisi lang siya.

Sumipol pa siya nang nakakaloko. Tarantada. Tumingin ako sa kanila bago bumuga ng hangin.

"We got in a fight. I don't know where he is now. Probably, at his bar, kissing and dancing with another girl while I am not around." Irap ko bago tinignan ang kuko ko.

This is my way to bear it all, goddamn. I'm acting like a crazy bitch well in fact I want to cry for breaking up with him.

"You need to call him, now." Malalim na utos ni Papa.

Ikaw na gumawa ang gumawa kung gusto mo, Rogue.

"Ayaw ko, Papa. Ikaw na lang." I rolled my eyes.

"Ruby, you need to call him." Pamumutol nanaman ni Mama kaya ngumuso ako.

Mahal ang pride ko. Matapos niya 'kong pagsalitaan, tatawagan ko? Para ano? Para bumalik nanaman siya rito at mapahamak? Para batuhin lang ako ng mga masasakit na sita at ipamukha na hindi ko kayang mabuhay kung wala siya?

"Kukunin ko ang lace, ibibigay sa inyo at hahanap ako ng bagong lalaki."

"You can't break the goddess' prophecy, Ruby. Call him now." Utos nanaman ni Marcus.

Scent of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon