Chapter 30: Timeless

326 15 2
                                        

"Ruby..." Tawag ni Kuya nang manigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kanila. "Let's go..." Marahan niya akong hinigit para makalayo.

Namanhid ang buong katawan ko. I don't know how to react... I can't blame him. He lost his memories with me. I made it. It's my fault. I drove him away. He's in a state where he doesn't know someone named Ruby.

"Kaya ko nang mag-isa," bulong ko sa hangin nang hindi nililingon si Kuya.

"Sasama na lang ako," presenta niya.

"Hindi na... Uuwi na lang ako," iling ko at tumalikod habang unti-unti silang inaalis sa paningin ko.

He's laughing in insanity while talking with the girl. I can't clearly hear what they are talking about... But I can see how drunk he is. I want to drag him out and slap him to reality.

But what for? Masasaktan ko nanaman siya dahil sa walang kwentang pagiging makasarili ko.

Let's get back to our lives, Zion.

"Ibalik mo na lang... Huwag mo nang saktan ang sarili mo," Reis growled when he saw my tears flowing down.

Galit ko siyang tinitigan habang pinapawi ang luha.

"Sana kahit itinaboy ko siya, sana hindi ko na lang tinanggal ang mga alaala niya para kahit magkaibang mundo ang ginagalawan namin ay alam kong hinihintay niya pa rin ako. Ngayon kahit pangalan ko ay hindi niya kilala."

Sana hindi na lang ako ang nakagawa no'n para hindi ako natatakot nang ganito.

Gustong-gusto kong ibalik ang alaala niya. Gustong-gusto ko na siyang yakapin at halikan... Gustong-gusto kong bawiin lahat nang sinabi ko at lumuhod sa harapan niya para sabihing gusto ko siya sa tabi ko. At gusto ko rin sa tabi niya.

What a scent of eclipse... I can smell it from him.

"Bakit ayaw mo siyang pabalikin? Hindi ka niya tatanggihan kung sakali," haplos niya sa buhok ko habang inaabutan ng tissue.

Hinaplos niya ang likod ko at marahang niyakap. Sumandal ako sa kanya at ilang sandaling umiyak.

The world was always giving up on me. But when Zion came, I saw how everything has changed. The way I see people became different because of him.

"Kumusta kayo ni Ulfa? Maayos ba kayo? Ilang taon na rin simula noong dinakip mo siya sa kulungan mo," nilagok ko ang isang shot sa lapag at ang susunod pa.

"Si Ulfa? Maganda pa rin naman siya... Nakakatulala. Ang kaso, ayaw kong umamin," he looked so amazed, imagining her. "Matagal na rin simula noong magkasama kami... You know what?"

"What?" I asked.

"It's our duty to bear a child... Iyon ang tungkulin ko bilang panganay na anak ng isang Alpha," tumingala siya.

"Now? Bakit hindi mo pa rin nagagawa?" I breathed out.

"She's taking pills," mapait na bigkas niya.

"Sinasabi mo bang ayaw niyang magkaanak kayong dalawa?" Naguguluhang tanong ko.

"Natatakot akong baka nasasaktan ko siya. Ayaw na ayaw kong nagseselos pa rin siya sa babaeng minahal ko noon," he said and took another shot.

"Faliza is already dead... Hindi ko rin alam kung bakit ayaw pa ni Ulfa ang magkaanak kayo. Knowing her... Siguro ay gusto niyang makita muna ang isang bagay bago kayo magkaanak," I smiled at him.

"I know..." He sighed. "I know she wants to get married first and wear a ring before we bear a child... After a week, I guess? I will propose to her," sabik na tugon niya.

Scent of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon