Chapter 68: Queen With No King

231 9 1
                                    

"Who wants more?" Namamaos na sigaw ko.

"That's enough." Pigil niya pero ayaw ko paawat.

"Last na promise!"

Kinuha ko ang inabot na shot ni Dixon. Lalong lumakas ang sigawan nang inumin ko 'yon. Lumapit siya para hawakan ang braso ko pero tumanggi ako.

"Isa pa!" Sigaw ni Drine.

"Ruby, enough. Or else I'll call your father-

"Go call him. Tell him that I'm drunk. Let's see who will win." Hinila ko ang kuwelyo niya. "If you will call him, I'll tell him to use his power to get you back. He's the type of father who will do everything to make me smile." Tumawa ako nang mahina.

"Then I'll call Reis." Hamon niya.

I stamped my feet on the floor before crying with no emotions.

"Ayoko nga! Kulit mo... Dito lang ako!"

"Talagang sinusubukan mo 'ko?" Mainit na tanong niya.

"I like the thrill-

Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Hinatak niya ang braso ko palapit sa kanya at hinalikan ako sa labi.

Kahit na nakamulat ako ay wala ako sa diwa ko. Hindi ako makagalaw dahil sa ginawa niya. He stopped to make a distance between us. Until now, I cannot recover myself. Mabilis lang ang halik niya pero parang ang tagal... Ang init ng labi niya... Ang tamis ng labi niya...

I am wanting it more... He, himself... His lips... His eyes... Every piece of him. I want it. I want him back so I could own him.

"I'm sorry about this. My wife and I had a misunderstanding. I'll take her home." Paumanhin niya sa lahat bago ako hilain papunta sa likod.

Nagsigawan ang lahat bago kami makaalis doon. Kung makahatak 'to, dinaig pa ang truck na umaandar.

Isinandal ko ang sarili ko sa glass wall ng restaurant ng bar kung saan niya ako dinala. Inaantok na 'ko. I bumped my head on the wall for how many times to wake myself up. He's calling someone but the person he is calling isn't answering.

"What was that kiss for?" Nakangising tanong ko.

"To seal your mouth." Mabilis na tanggi niya.

"Kiss me again... I want to kiss you back."

Inabot ko ang batok niya pero pinigilan niya ako.

"Sige na! Last! Kahit mabilis lang!" Talon ko para maabot ang batok niya pero wala pa rin.

Ang tangkad niya. Kainis.

"Madidisgrasya tayo. Tumigil ka na." Dinuro niya 'ko pero tinabig ko 'yon.

"Ampangit ko kausap buwisit." Sumalampak ako sa upuan.

"Where will I take you?" Dinig kong bulong niya.

Hinilot ko ang sintido ko. Inaantok na talaga ako.

"Take me home... Where I belong." Lasing na sagot ko.

"Sumeryoso ka nga."

Ipinatong niya ang palad sa noo ko dahil muntik ko na iyong maiuntog sa table.

"Seryoso ako. I belong to you so take me home... Take me to you... You are my home."

Warm tears fell down from my eyes. Damn, what am I doing?

"I am not your home. And I will never be."

"Cut it!" Sigaw ko sa inis. "Why are you acting like that?! I love you! I still love you! I only need you, goddamn it Zion! Makinig ka naman! For once!"

Scent of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon