FORTY

48 6 0
                                    




CHAPTER FORTY | Answer



"Kain na!" 

Walking down the stairs I see Riyu all dressed up for the ball.

Ang sabi kasi ni mom subukan niya raw ang bonggang kaganapan sa school namin, dahil minsan lang naman daw, pati ako pinipilit ni mom, pero hanggang ngayon umaayaw pa rin ako ay hindi na niya ako mapilit- nasayang nga lang yung dress na binili ni Riyu para sa akin.

Oo, binilhan niya ako ng dress, gusto niya sana na pumunta ako, may partner man o wala, gusto niya sana na magkasabay kaming pupunta- kaso, umaayaw talaga buong kaluluwa ko. Maganda ang dress na binili niya para sa'kin, ang sabi pa nga niya, regalo niya sa'kin 'yon.

Tumatanggi ako, pero mapilit din siya minsan.

Dito siya natulog ng isang week, dahil pinayagan naman siya ni dad at gustong-gusto naman talaga ni Riyu.

Halos wala akong tulog sa totoo lang, kagabi pa ako paikot-ikot sa kwarto ko at sa kama, hindi ako mapakali, hindi ko alam ano dapat ko isipin, hindi ko alam kung ano ang meron. 

Napaupo ako sa hapagkainan, pero kahit hanggang dito ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang 'I love you' ni Karl sa chat- Tangina lasing ba siya? ano natira niya?

Nangtritrip na naman ata.

Bakit ba hindi ko malimot? ilang araw na nga ang nakalipas, pag dating naman sa campus parang wala naman, hindi ko malaman. May mga oras na ang landi-landi niya tapos mamaya-maya parang sinapian ng kabaliwan at nanlalamig sa aming lahat.

"Are you not gonna eat, sweetie?" Ang tanong ni mom. Hapunan na, kakagising ko lang dahil hindi talaga ako nakatulog kagabi at kaninang umaga nagkwentuhan lang kami ni Riyu tungkol sa kung ano-ano, nanghingi rin siya ng paumanhin sa nangyari nung isang araw sa pagbulabog ng lola niya.

Turns out dad was sleeping in a hotel near the area of his work since his work has branches and so he has to go to multiple places. 

Kaya hindi umuuwi sa kanila dahil busy sa trabaho.

"I'll go on ahead, I'll have to meet with my friends." He smiled. Bago siya tumungo sa pintuan ay nilingon niya ako. "You sure you don't want to go, Sai?" Nanlambot ang tingin niya sa akin, napangiti lang ako at marahan na umiling.

Kita ko ang paglaglag ng ngiti niya. Ang malambot niyang tingin ay napalitan ng lungkot. Alam ko na gusto mo ako sumama RIyu, pero ayaw ko talaga- ayaw ko di ba?

Ayaw ko pumunta o gusto ko na?

Tumango siya at ngumiti rin muli bago tuluyang umalis.

"Anak ayaw mo talaga?" Ang tanong ni mom habang kumakain ng kanin. Napahinga ako ng malalim at umiling. "Mahihiwalay lang din naman ako sa kanila... wala rin naman ako mapapala mom." Ang sagot ko at tinuloy ang pagkain ko.

Walang partner o jowa si Riyu, pero-pareho sila nila Karl na pupunta at silang dalawa raw ang magkadikit buong gabi. Kaya na nila 'yon, magkakasama naman sila, ako lang naman daw ang wala.

"Nako Sai, sayang 'yon, minsan lang naman at syempre masaya naman doon, panigurado hindi ka naman iiwan ng mga kaibigan mo, lalo na si April napakabait na bata non at dikit na dikit nga kayo diba?" Hinayaan ko na lang si mom na magsabi ng kung ano-ano, parang pinupuri na lang si April sa mukha ko eh.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon