FIFTEEN

121 7 0
                                    



CHAPTER FIFTEEN | Video Games



"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko kay Karl na nakahiga sa kama ko habang naka upo naman ako sa dulo ng kama hawak ang baso na may tubig.

Tumawa siya at umupo. "Mamaya na wala rin namang gagawin sa bahay papatabain lang ako ni Kylie." Paliwanag niya at tumawa ng malakas.

"Ayaw mo non, may pagkain ka minu-minuto?" Asar ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya at tumawa ng mahina. "Bagay sayo." Bigla niyang sabi.

"Alin?" Wala akong ideya sa sinabi niya. 

"B-Bagay sa'yo kumain ng madami!" Agad niyang sagot- he stuttered.

"Ewan ko sayo." Sabi ko at tumayo para ilapag ang baso ko na wala nang laman sa desk ko, Bumalik ako sa kama at humiga sa tabi ni Karl. "Usog, kama ko 'to." Ang utos ko at sumunod naman siya.

"Doon ka na lang sa lapag, masikip." Sabi ko at pilit na itulak siya. "Ayoko, masikip lang naman dahil sa taba mo." Asar niya sa'kin at ngumisi.

Aba?! ako pa ah!

"Hindi naman ako mataba ah!" Angal ko, Bigla niyang pinisil pisngi ko ng madiin. "Aray!" inda ko. "Di ka mataba pero pisngi mo mataba." Ang sabi niya at patuloy ang pagpisil sa pisngi ko.

Hinawakan ko dalawa niyang kamay at pinisil ito para pakawalan ang pisngi ko. "Mashaket!" Ang sabi ko nang hindi niya ito bitawan.

"Malambot kasi!" Sabi niya at tumawa, pinakawalan na rin niya sa wakas ang pisngi ko na ngayon ay paniguradong namumula na. "Nakakaasar ka na ah." Ang sabi ko.

Tumagilid ako at niyakap unan ko, pumikit ako dahil gusto ko na magpahinga talaga. Ramdam ko lalong lumubog ang kama sa tabi ko. "Tutulugan mo na ako?" Tanong niya at humiga rin. I sighed. "Sabi ko nga diba, pagod ako I need rest" Paliwanag ko at lalong niyakap ang unan ko.

"Bakit unan niyayakap mo, bakit ako hindi?" Tanong niya na nagpamulat sa akin. "Manahimik ka nga!" Medyo hiya kong sabi sa kanya at tinago ang mukha ko sa unan ko.

"Kilig ka naman~" Asar niya. "Bahala ka matutulog ako" Sabi ko at ramdam ko naman ang pagupo niya sa kama. "Sige, maglalaro lang ako dito.. rest well Sai" Ang sabi niya sa akin.

Pinikit ko muli ang mga mata ko at huminga ng malalim.






Napakamot ako sa ulo at minulat mga mata ko, nakatihaya na ako at wala akong makita. Inalis ko ang unan sa mukha ko at umupo. Nasa tabi ko si Karl at nakatulugan ang phone niya. Kinuha ko ang phone niya at ilalapag na sana sa side table nang may tumawag.

Mom niya.

Hinayaan ko na magring lamang 'yon, dahil wala naman akong karapatan para sagutin 'yon diba?

Nung namatay na ay umilaw ang screen niya.

10 missed calls galing sa mom niya at 3 sa dad niya... paniguradong nagaalala na sila, dahil anong oras na wala pa rin ang anak nila.

Pero-

Nilapag ko ang phone niya sa side table ko at tinitigan siya. Sobrang peaceful ng mukha niya pag tulog- hindi pa nakakairita.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon