TWENTY NINE

65 6 1
                                    




CHAPTER TWENTY NINE | Everything's Normal



Tinulugan ako...

"Sabi niya turuan ko na daw siya ngayon habang gising siya... pero tinulugan ako." Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa tulog na Karl. Bigla siyang gumalaw ng konti para umayos ng tulog. Hinayaan ko siyang gumalaw at tinabi na lang ang laptop ko.

Gusto ko sana manood kaso nawalan na ako ng gana. Pagkatabi ko ng laptopko sa bag ay kinuha ko na ang phone ko. Maglalaro sana kaso may biglang nagchat.


• Text Message



'Sai! may pagkain ka?'

'Wala, si Fate meron'

'Eh solo naman nila yon ni Ross :[ '

'Paanong solo? dalawa sila'

'Aba! apaka sama mo memsh!'

'pfft. wala bang pagkain si Trisha?'

'Wala inubos niya daw kagabi'

'Edi magutom ka'

'Grabe ka talaga!! hmp!'


• Read


Napairap na lang ako at nagscroll sa Facebook dahil wala na talaga akong magawa. Kinuha ko yung dulo ng earphones ko at kinabit sa phone ko. Agad akong nagplay ng kanta para lunurin ang ingay sa bus na ito.











"Saiki?" Tinanggal ko ang isang piece ng earphone mula sa tenga ko saka tiningnan ang tumawag sa akin. "What?" Tanong ko na medyo masungit. 

Napangiti si Karl ng labas ngipin at tumayo mula sa kinauupuan niya. "Stop over daw, may gusto ka ba bilhin?" Tanong niya sa akin. Napausod ako ng konti at napakunot noo.

Lumingon ako sa bintana at nakita ang magandang tanawin ng Tagaytay. Gusto ko sana bumaba at maglakad habang nakatingin sa magandang tanawin... ngunit tinatamad ako. Nilingon ko muli si Karl at umiling ako. "Ayoko gumastos." Ang sagot ko sa tanong niya.

Napangisi siya at napakunot ng noo na akala mo weird ang sinabi ko. 

"Sinong nagsabi na pera mo ang gagastusin?" Natatawang tanong niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Anong trip mo?" Tanong ko.

"Libre ko kasi Hirano, dahil mabait ako." Ang nakangisi niyang sabi. Napairap ako. "At bakit ka manglilibre?" Tanong ko, napakamot siya sa ulo niya saka sumagot.

"Sorry, kasi tinulugan kita kanina, and thank you na rin kasi tinutulungan mo ako kahit masungit ka." Ang natatawa niyang sabi sa akin. I rolled my eyes and sighed. "Bahala ka, kung ano gusto mo gawin." Ang pagtaboy ko sa kanya. Naglakad siya papunta sa harap ng bus at bumaba. Sumilip ako sa bintana at sinundan siya ng tingin.

Nakita ko rin si Riyu na may kausap na babae. Mukhang hindi siya komportable... pero problema na niya 'yon. 

"Memesh!" Agad akong umiwas ng tingin mula sa bintana at nilingon si April na bigla biglang tumatabi sa akin. May dala siyang plastic at panigurado ay puro pagkain ang laman. "Gusto mo?" Tanong niya, agad naman siyang naglabas ng isang bagay mula sa bag.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon