THIRTY SIX

47 5 0
                                    




CHAPTER THIRTY SIX | I Have You



Alas-dos na ng hapon,

Ang usapan alas-dose, kita-kita raw sa kanto nila Fate, wala siya doon at nagchat pa na hintayin siya, tambay daw muna sa seven-eleven. Ayaw nila, edi nauwi sa bahay, isang oras kami nasa bahay. Nakapagluto pa ako ng ulam ni mom para paguwi niya kakain na lang siya.

Dumating si Fate mga ala-una na, ang nakakabwiset pa, kasama niya si Ludifer. 

"Riyu-" Napaiwas ako ng tingin sa dalawang naglalandian- Si Ludifer lang naman ang gumugulo kay Riyu, nananahimik naman siya habang busy sa phone. "Bakit ka nga ulit kasama?" Tanong ni Ross habang nakatitig ng masama kay Ludi. Hindi ko malaman kung matatawa ba ako sa itsura ni Ross o maaawa kay Ludifer.

"Oo nga, bakit ka kasama?" Tanong din ni April habang nakadikit kay Karl. Nasa loob na kami ng mall naguusap-usap lang kung ano ang uunahin namin. Mukhang nauwi pa sa ibang bagay ang paguusap namin. "Pinasama na siya ni tita sa'kin para naman daw makalabas ng di kasama yung mga alagad niya." Ang sagot ni Fate kanila Ross at April, umiwas pa ng tingin sa amin.

"Memsh, alam ko na hiyang-hiya ka sa kagagawan mo, pero wag ka magalala naiintindihan kita." Ang sabi ni April. Ano naman ang naiintindihan ng babae na ito? 

"Ha?" React ni Fate. "Ano na naman pinagsasasabi mo dyan Kaye?" Tanong ni Karl at dahan-dahan lumalayo sa kanya. 

"Mahirap tanggihan ang mga tita, tito natin lalo na si mama." Ang sabi ni April. May papikit-pikit pa na nalalaman at hawak sa dibdib, akala mo damang-dama niya. "Mahiyain lang talaga si Fate, nahihiya siya tumaggi sa kung sino man." Ang singit ni Trisha habang nakasandal na sa pader. Napailing na lang ako at kinuha phone ko mula sa bulsa.

"Teka, parang ang sakit ah." Ang biglang sabi ni Ross. Napaangat naman ako ng ulo at napatingin kay Ross na parang may napagtanto siya. "Babe, sinagot mo lang ba ako kasi nahihiya ka na tumanggi sa'kin?" Ang tanong ni Ross kay Fate habang hawak-hawak niya ang dalawang kamay ni Fate at nakanguso pa. Mukha kang tanga...

"Hala, hindi ah!" Ang agad na tarantang sagot ni Fate. Hindi naman napigilan ni Karl at April tumawa. "Eww, kadiri kayo." Comment ni Ludifer- hindi ko alam paano sila naging kadiri pero baka may ibang nakikita to. 

"Anong kadiri doon?!" Gulat na tanong ni April at napasama naman ang tingin kay Ludifer. Madalas hindi ko maintindihan ang babae na ito. Minsan parang si April lang din siya, baka si April talaga ang pinsan niya at hindi si Fate.

"Nanggaling sa tao na kung makadikit sa lalaki akala mo linta." Ang mahinang sabi ni Trisha na narinig ko, saglit ko siya na nilingon at sa gilid ng mata ko nakita ko na lumingon din si Karl kay Trisha. Pigil na pigil ang tawa ni Karl.

Humarap siya kila April at Ludifer na nagtatalo pa rin sa hindi ko na maintindihan na rason.

"Should we eat first?" Ang sambit ni Riyu na bumasag sa gulo nung dalawa. "Yes! good idea." Ang pagsang-ayon ni April kay Riyu. Dahan-dahan naman lumayo sa amin si Riyu kaya agad ko ito sinundan. Napansin niya na sumabay ako sa paglalakad niya kaya agad siyang napalingon sa akin, saglit na inalis ang tingin niya sa phone. 

"Where do you plan to eat?" I asked, shoving both my hands into my pockets, I looked forward waiting for his response.

"Anywhere is fine, as long as we all eat." Ang sagot niya, agad na binalik ang atensyon niya sa phone. He is once again typing away.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon