FORTY SEVEN

32 6 0
                                    




CHAPTER FORTY SEVEN | I'll Wait



Sunday morning...

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto ko, mukhang kagabi pagkatapos ko magisip, magmuni-muni o kung ano man ang ginawa ko kagabi ay nakatulog ako, hindi na nakapagbihis at nakatulog  na suot ang pinangalis ko.

Umupo ako sa kama at nilibot ang tingin ko sa buong kwarto.

Ako lang naman mag-isa, pero bago ako tumayo napansin ko ang isang papel na nakadikit sa vase, isang puting papel na nakadikit gamit ang tape, may sulat ito pero masyado akong malayo para mabasa.

Kinapa ko ang side table ko para kuhain ang pantali ko sa buhok, nang makuha ko ito ay agad ako nagtali nang madalian, kung ano man ang pagkakatali ko- bahala na.

Tumayo ako at nilapitan ang desk ko, yumuko ako ng kaunti para abutin ang sulat na nakadikit sa vase, tumayo ako ng maayos pagkakuha nito at binasa.

'I hope you have a great day today :)'

Napangiti ako, sa sulat pa lang ng kamay alam ko na si Riyu ang nagsulat nito, binaliktad ko ang papel at baka sakali may nakasulat sa likod- tama ako, may nakasulat nga pero ang sarap patayin ng nagsulat.

'Maligo ka muna bago lumabas ng bahay ah!'

Sulat kamay ni Ross, sinasabi ko sa lalake na 'yon, masasakal ko siya ng hindi oras!

Napabuntong hininga ako saka binuksan ang pinto para lumabas ng kwarto, pagdating ko sa hagdan ay may nasa unang baitang, napa-squat ako para kuhanin ito mula sa lapag, isa pa na papel at nakadikit gamit muli ang tape.

'Pag ngumiti ka, pati ako napapangiti dahil bagay sa'yo.'

Ang sulat kamay ulit ni Riyu, pagkabaliktad ko ng papel ay may smiley face lang na panigurado kagagawan ni Ross, nako Ross walang magawa o masabi sa akin ah.

Napailing ako pero napangiti rin sa banat ni Riyu, unti unti ka na talagang natututo, nakakatuwa naman pero nakakalungkot din, dahil di magtatagal aalis din kami dito... Hanggang ngayon hindi pa rin ako sang-ayon, ayoko iwanan ang meron ako dito...

Tinuloy ko na lang ang pagbaba ko ng hagdan hanggang sa umabot ako sa kusina, syempre pansin ko na wala rito si mom at Riyu, si Riyu umuwi na siguro kagabi, si mom naman may pasok ng umagang-umaga.

Ako lang ang natira sa bahay ulit.

Tumalikod ako at pumunta sa banyo bago kumuha ng malalamon sa kusina, naghilamos ako at nagsipilyo saka bumalik ng kusina magkatapos magpunas ng mukha.

Pagbalik ko sa kusina napatitig ako sa fridge ng ilang segundo o minuto- hindi ko na alam, pagkatapos ko makipag staring contest, napagisipan ko na ang kakainin ko ngayon, tinapay at gatas na lang, wala rin naman akong gagawin dito sa bahay kaya hindi na kailangan ng mabigat sa tyan.

Nilabas ko ang fresh milk mula sa ref, kinuha ko ang tinapay na natitira sa lalagyanan saka ito nilipat sa isang malinis na plato at ang inumin ko ay sa baso. Kinuha ko pareho at dinala sa sala, binuksan ang TV para kahit papaano may ingay sa paligid ko.

Sa paraan nito malilibang ko rin ang sarili ko at manood na lang ng mga teleserye o kung ano man ang meron sa oras na ito, maaga pa naman, wala pang eleven.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon