THIRTY FOUR

48 5 0
                                    




CHAPTER THIRTY FOUR | Affair



"Masyadong matamis." Ang papikit ko na sabi kay Kylie.

Nasa kusina kami ngayon, nagbabake si Kylie ng kung ano-ano at ako ang taga tikim ng mga ito, minsan ay pinatitikim niya rin naman sa dalawa, pero mas lamang akin. "Akala ko sakto na!" She said as she pouted. 

I sighed.

"Okay lang 'yan," Ang sabi ko, inabot ko ang isang muffin na ginawa niya at kinagatan ito. Unang kagat ko pa lang ay nalasahan ko na ang tunaw na chocolate, dark chocolate. Sakto lang yung tamis, ang sarap sa bibig nung malambot at mainit na muffin. Dahan-dahan naghihiwalay sa maliliit ang muffin, dahil sa kalambutan nito.

"Eto masarap!" Ang agad kong sabi sa aming baker.

She clapped her hands and walked towards me, grabbing a muffin from the tray and smelling it before taking a bite. She continued to chew the soft, fluffy muffin, and soon enough she was smiling widely with her lips stretched as she chews. She hums slowly and excitedly from the taste of her own baking.

"Ang sarap nung melted chocolate ate!" Tuwa niyang sabi sa akin, tumango-tango ako. Pag dito ako nakatira panigurado tataba ako lalo, lagi akong busog dahil kay Kylie.

Pagkalunod ni Kylie ng kinakain niya, agad siya nagsalita ng kung ano-ano tungkol sa pag-bake ng mga muffins, tulad ng ginawa niya, medyo wala akong naintindihan, dahil wala akong hilig sa pag-bake, pero tumango-tango ako, tamang sang-ayon lang habang tuwang-tuwa siya sa pagsasalita.

"Niel! may mga bisita na naman at hindi mo sinabi sa akin?!" Bigla kaming napatigil ni Kylie, bago pa man ako makatayo para pumunta kay Karl ay may pumasok sa kusina. Napaayos ako ng upo, dahil sa matapang na presensya.

Naka dress na puti, lagpas tuhod ito, nakatakong na puti, mukhang 6 inches ang haba. siya ay-

"Mom!" Bati ni Kylie. "You're baking again?! I thought I told you to go practice acting?" Ang taas noong sabi ng mom nila. Hindi ako makaimik, nakaupo lang ako malapit sa counter habang nakatitig sa mga pagkain sa lamesa.

"B-But mom-"

"And you! who are you?" Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti pero hindi na lang.

I stared at her for a good minute as she did too. "I'm Saiki Hirano, ma'am." Ang pagpapakilala ko na may dagdag respeto sa kanya. Agad-agad akong yumuko sa hiya, hindi ko alam paano o ano ang sasabihin ko. Narinig ko ang pagtama ng heels niya sa lapag at papalapit ito sa akin. "Are you Niel's girlfriend?" Napalanghap ako ng hangin.

Sasagot na sana ako pero-

"Ma, nandyan na si tito. You need to go." Ang bungad ni Karl na biglang pumasok sa kusina.

Yumuko ako lalo at hinayaan na matakpan ng buhok ko ang mukha ko na hiynag-hiya at baka namumula na. "Oh god! I'll see you two later, better behave." Ang sabi ng mom nila saka nagmadali ito lumabas ng kusina para iwan na kami.

Narinig ko ang pagalis niya, pero biglang tumigil.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siya, nakatalikod sa akin. Saglit niya akong nilingon at bahagyang ngumiti. "Nice to meet you, Saiki." Saka siya tuluyang umalis.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon