NINETEEN

106 10 3
                                    



CHAPTER NINETEEN | Good Together



"Sai... wake up," Napabiling ako sa kabila at pinilit na lumayo sa kamay na nakapatong sa balikat ko- ang bigat ng kamay...

"Saiki," Kung sino man ang bumubulong sa akin ikamamatay nila yan!

Ayoko pa gumising. "Five more minutes..." Ang mahina kong sabi sa hangin. Natawa ang katabi  ko kung sino man siya at tinuloy ang pagtapik sa balikat ko.

Ano ba kasi 'yan, kita naman na tulog ang tao- panigurado naman na wala pa kami sa bahay na pinupuntahan namin, jusko, patulugin niyo lang ako- nagmamakaawa. Ang ganda ng pinanood ko kanina, nagsisimula na yung panaginip eh!

Naputol tuloy!

Agad ko minulat ang aking mga mata sa inis at tinitigan ng masama si Karl-

Karl?!

"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat ko na tanong saka napausod sa bintana. Napatakip siya ng ilong niya at tumawa. "Baho ng hininga mo Sai, ano ba kinain mo?" Pang-asar niyang tanong sa akin. I rolled my eyes and flicked his forehead. 

"Mas mabaho pa utot mo sa hininga ko!" Ang agad kong sabi saka siya tinulak, muntik na siyang mahulog pero napahakaw siya agad sa hawakan na nakadikit sa likod ng upuan ng nasa harapan namin.

Napabaling ako ng lingon sa bintana, para patagong amuyin ang hininga ko... amoy VFresh naman ah.

"Damn girl, kakagising mo lang beastmode ka kaagad." Ang natatawa niyang sabi sa akin. "Bakit mo ba ako ginising kupal ka?!" Inis ko na sabi at inayos ang laptop ko na nasa kandungan ko. Inalis ko naman ang headphones na nasa leeg ko lang nakasabit sa ibabaw ng neck pillow ko.

"Wala, gusto ko lang ng kausap." Ang sabi ni Karl saka naman ako inakbayan ng loko. "Nasaan si Riyu?" Tanong ko at akmang tatayo na nang hilahin niya ako papalapit sa kanya at tinuro ang katapat naming upuan. Napatingin ako at napahinga ng malalim.

Katabi ni Riyu si Caryle, isa sa mga matatalino sa section nila Karl.

Pareho silang tulog at nakikinig sa iisang kanta na panigurado earphones ni Caryle ang gamit nila at phone naman ni Riyu 'yon.

"Akala ko si Ludifer katabi mo?" Tanong ko at napataas ng kilay nung tumingin siya sa'kin. Napairap siya bigla. "Nakipagpalit ako sa kaibigan niya, syempre tuwang-tuwa ang kaibigan niya pero si Ludifer hindi." Ang paliwanag ni Karl.

Syempre, katabi ka na ni Ludifer, papakawalan ka pa kaya?

Kaso, alam naman namin na mapilit ka rin, kaya siguro hindi na nakaangal ang mga palaka sa gusto mo- pero bakit dito sa tabi ko?!

"So, bakit ka nakipagpalit kay Riyu?" Sunod ko agad na tanong, napaatras naman siya saglit at tiningnan ako na parang may mali sa akin. "Dami mo naman tanong," Ang natatawa niyang sabi at biglaang pag-iwas ng tingin.

I rolled my eyes at his response.

"Dalawa pa lang tanong ko." Ang sambit ko pero umiling siya. "Nakalima ka na." Ang bilang niya sa kamay niya sabay tawa. Hindi na ako nagisip at agad na kinurot ang tagiliran niya kaya bigla siyang napatalon. "Ah, puta ka!" Ang inda niya.

"Aba!" Kinurot ko uli ang tagiliran niya habang nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan niya ako ng masama saka hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay ko.

Tinulak niya ako papasok hanggang sa nakalapat na ang likod ko sa binatana. "Isa pa na kurot baboy, hahalikan na talaga kita." Ang banta niya sa akin saka niya dinilaan ang mapupulang labi niya.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon