THIRTY FIVE

47 5 0
                                    




CHAPTER THIRTY FIVE | Ignored



Nakatambay ako ngayon sa kwarto ni Karl, hindi ako pinuntahan ni Kylie at mukhang hindi alam ni Karl ang nakita at narinig ko kanina.

Isa pa, hindi ko nakita yung mukha ng babae kaya hindi ko masasabi kung kilala ko ba siya o hindi. Bahala na. 

I'm here only for the project and that's it, nothing else, I'm not here for gossip.

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto sabay ng pag-ring ng phone ko sa tabi. Agad ko ito kinuha at saglit na tiningnan si Karl. Walang pangalan na nakalagay sa number, kaya hindi ito si Riyu o si April, depende na lang kung gumamit sila ng ibang telepono o numero.

Sinagot ko na lang ang tawag at bakasakali na isa nga sa kanila 'to. Habang nakadikit ang telepono ko sa tenga, sige naman ang galaw ni Karl sa pwesto niya, hindi mapakali at may hinahanap.


• On Call


"Hello?"

"Hehe-"

"Uhm..."

"Minumulto ata ako Karl."

"Ha? Anong sinasabi mo dyan,
si April ba 'yan, Sai?"

"Oliver! Sino na naman ang tinatawagan mo?!"

"April?"

"Saiki papunta na kami, medyo traffic lang-"

"Bilisan niyo na, naiinip na ako."

"Cruz, bilisan mo, baka sabihin ko
kay Kylie na wag ka pakainin!"

"Ano daw?!"

"Wala, bilisan mo na April, ingat kayo."

"Sige sige- Oliver!"

"Kanino nga pala yung number na'to?"

"Yung isang phone 'to ni mama, pinahiram kay Oliver-"

"Bakit ako may number kay tita?
Ah, teka naalala ko na."

"Teka, mamaya na tayo magusap,
ang kulit ng ipis na'to!"

"Sige, sige."

"H-Hindi ako ipis!"

"Oliver-"


• Call Ended


Pagbaba ng tawag, napatingin naman ako kay Karl. Nakangisi siya habang may tinitingan sa sarili niyang cellphone. "Malapit na daw?" Ang tanong niya, sabay sa paganggat ng ulo niya para tinganan ako. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon