FIVE

240 13 0
                                    




CHAPTER FIVE | A Contract With You



I was stuck, stuck staring into his eyes.

"Hoy Sai, ano ginagawa mo dyan?" Nilingon ko bigla si April saka tumayo ng diretso. "Wala." Bigla kong sagot saka naglakad palayo kila Karl bago pa nila ako mapansin.

Nakaharap na si Karl kay Ross kaya hindi na niya kami napansin, sinundan ako ni April pabalik kay Fate.

"Checkout na tayo, gutom na ako eh." Ang aya ni Fate saka naglakad papuntang counter, saktong yung counter na yun ay malapit kila Karl kaya agad akong napaiwas ng tingin at dumistansya.

Ewan ko ba kung bakit ako dumidistansya eh wala naman akong ginawa sa kanila ah?

Pumila sina April at Fate para magbayad, habang ako ay nasa gilid lang nakatingin sa phone ko.

Para syempre kunwari busy.

"Uy April, Fate! nandito pala din kayo?" Bigla kong narinig ang boses ni Ross na bumati kila April. Napatigil ako saglit sa pag-scroll sa phone ko, inangat ko ang ulo ko saka ko nakita ang nakangisi na si Karl.

"May I help you?" Tanong ko, umiling siya at biglang inagaw yung phone ko, Nanlaki mata ko saka inagaw pabalik. Tumawa siya.

"Easy lang Saiki, I just wanted to see what were you doing, acting so busy all of a sudden." Ang bati niya sabay tawa uli. napatingin ako kila April saglit at nakitang sila na ang nagbabayad, kasama si Ross.

"Tch, alis nga." Sabi ko at marahan siyang tinulak palayo sa akin, tumabi naman siya sa daan at tumawa lang saka ako sinundan papunta kila April na tapos na magbayad.

"Hoy kayong dalawang mag-jowa tara na kain tayo!" Aya bigla ni April at nangasar pa ang loka. Napangisi si Karl, "Sige basta libre niyo." Ang sabi niya, Tumango naman si April.

"Sige basta sa susunod ikaw naman." Ang masaya niyang sambit, tumawa si Karl, "Sige lang!" Ang sagot niya saka kami lumabas ng department store at tumungo sa food court.

Habang naglalakad kami tinext ko si Riyu, at ang sabi niya nadito rin daw siya sa mall, nasa may arcade lang pala ang loko kasama daw mga kaibigan. Naks, may friends na sya.

"Sai!" Sigaw sa akin ni Fate, napaangat ako ng ulo at napataas ng kilay sa kanya, "Bakit ang tahimik mo? at sino ba katext mo?" Tanong sa akin ni Fate, napakamot ako sa ulo. "Wala si Riyu lang." Sagot ko saka tumawa si April.

"Nako pwede ba mamaya mo na alalahanin yun!" Ang sabi ni April. "Oo nga, andyan naman si Karl eh!" Dugtong ni Fate.

Ang sarap batukan ng dalawang to ha.

Ay ewan ko ba, bahala nga sila.

"Oo nga, nandito naman ako, kung sino sino pa hinahanap mo." Banat ni Karl sabay kindat ng loko, napairap naman ako. "Ayiieee!" Asar ni Ross sa amin sabay kembot ng loko.

"Uy, wag ka nga kumembot sayang gwapo mo." Sabi ni Fate sabay tawa, napatawa naman din si April. "Hayaan mo na cute naman siya." Ang sabi ni April saka sinabayan si Ross sa pag kembot.

I face palmed.

Mukhang mga ewan mga kasama ko.





A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon