NINE

182 6 0
                                    



CHAPTER NINE | Prioritize



Umaga na naman, ayoko pa bumangon. "Sai! nandito na si Riyu sa baba inaantay ka kasama sila April, Fate at Karl!" Ang sabi ni mom at sumilip mula sa pinto ko, Napabangon naman ako bigla.

What the hell?! 

Anong ginagawa nila dito? ang alam ko wala kaming usapan na sabay-sabay kami papasok ah!

Dali-dali akong dumiretso ng banyo para maligo at saka naman bumaba si mom, siguro para palamunin yung mga bwisita.

Binilisan kong maligo kahit labag ito sa loob ko, shit ang lamig ng tubig!

Umagang-umaga nagmamadali ako! ano ba yan kasi! "Anak bilisan mo na, wag mo pinaghihintay ng matagal mga kaibigan mo." Ang sabi ni mom at kumatok sa pinto. "Yes mom!" Sagot ko at nagmadali ng magsabon at mag banlaw dahil tapos na ako magshampoo.

Tumakbo ako sa kwarto ko ng nakatapis lang, agad ako naghalungkat sa damitan ng susuotin ko at sinuot na agad, bwiset naman kasi dapat talaga mamaya pa ako gigising, at dapat chill lang ako kahit late na ako! kaso wala eh, nandito sila!

Hindi na ako nagsuklay at hinayaan na bahagyang basa ang buhok ko, bahala na!

Bumaba ako at nakita silang naguusap kasama si mom. "Oh, tara na! bwiset kayo." Ang sabi ko at lumabas na ng bahay, nagpaalam sila kay mom at nagpasalamat sa pagkain saka sumunod sa akin palabas.

"Sino nagsabi na sunduin nyo kami ni Riyu?" Tanong ko habang inaayos ang buhok ko na basa na magulo pa. "Si April." Sagot ni Fate sabay turo kay April na nakangiti. 

"Loko kayo! di nyo manlang ako tinext!" Ang sabi ko sabay irap sa kanila. "Okay lang yan, kasama mo naman ako." Ang sabi ni Karl sabay kindat. Ugh! No.

"Nasaan nga pala si Ross?" Tanong ni Karl, "May practice daw sila ng kung ano man yun, di niya sinabi eh." sagot ni April at humawak sa braso ni Riyu, agad ko naman tinulak si April palayo kay Riyu.

"Tigilan mo si Riyu ah!" Sabi ko at sinamaan ng tingin si April, napatawa naman si loka. "Jusko memsh! protective much?" tanong niya sabay hampas sa balikat ko.

Masasapak ko tong babaeng na'to!

"It's fine." Ang sabi ni Riyu, napataas ako ng kilay kay Riyu. "Okay lang naman pala eh!" Sabi ni April at lumapit uli kay Riyu at humawak sa braso muli. Ah, sige okay.

"Sige, bahala ka sa baliw na yan." Sabi ko at lumayo sa dalawa, naglakad ako sa tabi ni Fate na mukhang malalim ang niniisip. "Ano meron?" Tanong ko sa kanya. 

Tuloy kami sa paglalakad, habang abala pa rin siya sa pagiisip. Marahan niyang pinaglalaruan ang dulo ng pangtaas niya.

"Iniisip mo ba si crush mo? Ayiiee!" Singit bigla ni Karl at inasar si Fate. "Sinong crush? madami kasi." Ang sabi ni Fate sabay ngiti kay Karl. Oopss! 

"Madami kang crush?! ganun ba talaga ang mga babae?" Di naniniwalang tanong ni Karl, "Oo, yung iba, pero ako hindi, wala nga akong crush." Ang sagot ko.

"Talaga? hindi mo ako crush?" Pangasar na tanong ni Karl sa'kin at taas baba pa ang kanyang kilay. Napairap ako. "Hell no!" Sabi ko at tumawa si Fate.

Napatigil si karl sa paglalakad at saka niyakap ang sarili niya sa kakatawa.

"Tingnan mo yung dalawa oh, may sariling mundo akala mo wala kami rito." Parinig ni Fate kay Riyu at April, napalingon naman sa'min yung dalawa at nagtaka si Riyu sa sinabi ni Fate- di niya maintindihan eh!

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon