THIRTY

67 7 0
                                    




CHAPTER THIRTY | Truth Or Dare



It's been three weeks, nothing has changed. It's currently semester break, after all the tutoring and cheating... after the exams, we're now free for a moment. We all have a moment to breathe.

"Ang sama naman kasi! hindi sinabi ni Fate at Ross na sasama sila sa field trip!" Ang naiiritang sabi ni April. Kahit sembreak na nandito pa rin ang loka na ito, bumisita siya ngayon dito, dahil wala daw siya magawa sa bahay. "Kailangan ni Ross yung extra credits kaya sumama na lang din si Fate for company." Ang paliwanag ko- nakailang paliwanag na ako, ayaw lang makinig ni April.

Dahil sabog ang kasama ko, pinipilit niya lang mainis dahil hindi siya sinabihan ni Fate. "Tama na, tapos na 'yon, sembreak na." Ang sabi ko at napahilamos na lang ng mukha. Inabot niya naman ang tasa na may laman na kape. Gusto niya raw magkape, dahil magpupuyat siya mamaya para manood ng drama.

Dito siya matutulog ngayon, wala si tita sa bahay nila, may inaasikaso para sa trabaho niya; ayaw maiwan ni April mag-isa kaya eto- dito tumambay hanggang bukas. "April kamusta? may boyfie ka na ba?" Ang tuwang tanong ni mom sa kanya. 

I face palmed once again, talagang pag nagkikita ang dalawang ito puro lovelife ang usapan.

"Nako tita, wala pa nga, ang tagal ni Mr. Right." Ang sagot niya sabay tawa ng marahan. "Saiki ikaw ba? kayo na ni Karl? hindi naman sana-" Ang tanong sa'kin ni April at kung makatingin, akala mo inagawan ko ng lupa at bahay.

I rolled my eyes, ang mukha ni mom mukhang sabik na sabik sa sagot ko. "Hassle lang 'yan." Ang simpleng sagot ko. Hassle lang ang relationship, minsan masaya siya pero madalas sagabal lang.

"Nako! alam naman namin si Karl ang crush mo anak." Ang dagdag ni mom sa pangaasar. Napasandal ako sa sofa at hinayaang bumagsak ang balikat ko, medyo nakakasawa na lagi na lang si Karl ang tinutulak sa'kin... wala naman akong gusto sa kanya.

The moment I saw him when we first met, I knew he wasn't my type and I was right, he's not my type his attitude isn't the best but he's something, I'll give him that.

"Memsh, kaya ko magparaya." Ang sabi ni April sa akin at kinindatan pa ako. Kailan ba ito matatapos?

"Ay, tita!" Ang biglang agaw atensyon ni April kay mom. Agad naman lumingon si mom at ngumiti. "Yes dear?" Mahinhin niyang tanong, April smiled close-eyed and spoke; "May small gathering po ang isa sa mga besties ko at imbitado po sila Trisha, si Saiki na lang po ang hindi kasama, baka naman po pwede?" Ang mabait at magalang niyang pagpapaalam.

Alam mo si mom, hindi kasi 'yan-

"Of course! isama niyo na rin si Riyu!" Ang tuwang sabi ni mom at saglit na pumalakpak. Napapalakpak din si April sa tuwa na pinayagan ako sumama sa 'gathering' nila, hindi naman ako interesado doon. Ma, bakit?! bakit mo ako pinayagan?!

"Ayoko sumama... hindi ko naman trip 'yon," Ang mahina ko na sabi, pero narinig nila. 

Mom gasped. "Sai! nako, sumama ka na at minsan lang naman iyon!" Ang pagpipilit niya.

"Pero mom-"

"Hayaan mo na 'yon! nandoon naman si Riyu at Trisha, sasamahan ka nila, nandoon din ako hindi ka magiging mag-isa!" Ang pag a-assure sa'kin ni April. Lumapit siya at yumakap sa braso ko. "Dali na memsh?" Nag-puppy eyes pa ang loka-loka.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon