TWENTY

117 10 0
                                    



CHAPTER TWENTY | You're Really Cool



"Aray!" Ang sigaw ni Karl, dahil hinampas ko siya ng malakas sa braso, Sabayan ba naman ng pagsabi ng 'We look good together', ulol!

"Manahimik ka na lang!" Ang sabi ko at pinitik siya sa noo. "Harassment!" Sigaw niya. 

Napatingin naman sa amin ang ilan naming mga kaklase, Puta, nasa amin na naman ang atensyon. "Ikaw kasi may pakana nento eh!" Lingon ko kay April at sinamaan siya ng tingin. Walang hiya yung babaeng to!

Wala kasing magawa sa buhay, sa lahat ng pwedeng pagtripan, bakit kami pa ni Karl? Jusko naman.

"Jusko! arte nyo pa." Ang natatawang sabi ni April at inakbayan si Trisha na kakagising lang. "Ewan ko sa inyo," Ang sabi ko at kinuha kay Karl ang mga gamit ko, naglakad ako palayo pero ramdam ko ang pagsunod sa'kin ni Karl.

"Ano?" Tanong ko, pero hindi ko siya nililingon. He chuckled. "Kailangan ko pumunta ng banyo, masakit na tyan ko." Ang sabi niya. Tumigil ako sa paglalakad saka ko siya nilingon.

Tumuro ako sa kabilang direksyon at sabing: "Doon yung bahay niyo." Natawa siya bigla at napahawak sa tyan niya. "Sa inyo pa lang ang binubuksan baboy, tinitingnan pa ng teacher namin yung bahay." Ang pag-inform niya sa tanga na si ako.

Napahawak ako sa noo ko at napayuko. "Tsk, bahala ka." Ang sungit ko sa kanya. Pumasok kaming dalawa, kasama ang iba pa na mga classmates ko sa bahay, kung saan kami mag i-istay ng one week.

Sana manatiling malinis ang bahay- siguro naman hindi kami papabayaan ng mga teacher namin, di ba?

Jusko naman, sana hindi kami magkagulo sa isang linggo, alam ko naman na magkakaiba-iba kami ng mga ugali, pero sana may 'middle ground' manlang kaming lahat- sana may mahanap o mapagkasunduan.

"Memsh!" Habol sa amin ni April na dala-dala ang maleta niya, yes ang dala niya po ay isang maleta at isang hand bag. Malupet diba? akala mo magaabroad din, pero dito lang pa rin naman pala sa Pilipinas.

Parang yung isang kaklase lang nila Karl- nako, ganito ba pagsosyal?

Feeling pupunta ng abroad, feeling may summer vacation sa Palawan o kaya sa Cebu? Mga magagandag lugar, pero hindi ko naman mapuntahan.

"Dalian mo na, gusto ko doon tayo sa second floor!" Ang sigaw ni April, saka ako tinulak para bumilis ang lakad. Sige pa rin ang pagtulak niya sa akin paakyat ng hagdan hanggang sa umabot kami sa mga rooms.

"Ilan ba kwarto sa bahay na 'to?!" Naiirita ko na tanong kay April na kasama pala si Fate- Si Karl ay paniguradong nasa banyo na... tumatae ata.

"Five rooms daw." Ang sagot ni Fate, April shrugged. "Pagkarinig ko seven rooms." Ang sagot naman ni April.

Ang layo naman ng five sa seven?

Tulog pa ata ang utak ng dalawa na ito, okay lang ba sila? Ilan ba kasi ang rooms? Paano ba ang ayos, nasaan yung isang teacher namin?

Daming tanong na umiikot sa isip ko, antok pa yata ako- teka, antok talaga ako, sigurado 'yan, ikaw ba naman dalawang beses gisingin ng 'di oras. Ang sarap bumalik sa tulog at sana mabalikan ang mga panaginip o na lumipas dahil sa mga istorbo.

"Pumili na kayo ng kwarto." Ang sabi ko at naghintay sa hallway habang dali-dali namang ginala ng dalawa ang bawat isang kwarto dito sa second floor. "Magkakasama ba tayong tatlo?" Tanong ni Fate.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon