TWENTY EIGHT

58 7 4
                                    



CHAPTER TWENTY EIGHT | Cheats



Hmmm...

Pagkatapos ng encounter ko with Karl sa labas ng banyo, gumaan ang pakiramdam ko. Heto ako ngayon nasa kwarto ulit namin nagaayos na ng mga gamit ko habang si April ay nagpapaganda. "Nasaan si Fate?" Ang tanong ko, Natatawa naman na sumagot si April. 

"Panigurado kasama ang bebelabs niya, ano pa ba?" Ang dagdag niyang tanong sa dulo sabay ngisi sa akin. 

Napatigil kami sa usapan naming dalawa nang may biglang pumasok sa kwarto at sinilip kami, Si Robi pala- isa sa mga classmates namin. "Oh, ano na naman kailangan mo?" Ang mataray na tanong ni April kay Robi. Napangisi naman ako sa biglang pagbago ng ugali ni April.

"Aalis na daw." Ang medyo nahihiyang sagot ni Robi saka dali-daling umalis sa kwarto. Hindi na ako nakapagpigil at natawa na lamang. Agad naman ako tiningnan ng masama ni April sa bigla ko na pagtawa. "Sorry, nakakatawa lang yung itsura niya at yung biglang pagbago mo ng attitude." Ang paliwanag ko.

Umirap na lang siya at pinagpatuloy ang pagaayos niya sa mukha niya na puno na ng makeup. "So ayun nga, kasama ni Fate si Ross kahit nagdududa siya." Ang pagpapatuloy ni April sa sinasabi niya.

"Hindi ba mas mabuti nga na magkasama sila?" Ang tanong ko, sinarado ko ang zipper ng bag saka ito binuhat at pinagpag ang damit ko. "Bakit naman?" Ang tanong ni April saka tumayo pagtapos niyang mag makeup.

I shrugged. "Para mas makakuha siya ng good info or evidence mula sa kilos ni Ross at kung ano ano pa." Ang sabi ko, marahan siyang tumango at tumungo sa kama para kunin ang mga gamit niya. "Okay, may point ka doon."

"Sasamahan mo ba ako?" Tanong niya. "Saan na naman?" Tanong ko pabalik. 

"Sasakay sa bus, or sasabay ka kay Riyu?" Ang tanong niya sa akin. I shrugged. "Kahit saan kahit kanino basta makakauwi ako." Ang sagot ko. Agad naman tumayo si April at binitbit na ang mga gamit niya, 

"Tara na at isabay na nga natin si Riyu at Trisha para mas okay!" Ang aya niya sa akin, sumunod naman ako sa kanya habang dala-dala ang mga gamit ko.

Kinuha ko ang phone ko mula sa aking bulsa at tiningnan kung may message akong natanggap galing kahit kanino. Wala naman, missed call lang galing kay mom- teka ano?!

Pagbaba namin ay bumungad ang ilan naming classmates na todo sa pagaayos at pagligpit ng mga kalat nila. "Nako, bilisan niyo para makasakay na agad tayo, ang kakalat niyo kasi." Ang reklamo ng president namin. Napairap na lang ang iba at napahinga ng malalim.

"Labas na tayo, haayan mo sila dyan." Ang hila ni April sa'kin palabas ng bahay. Pagkalabas na pagkalabas namin, bumungad si Karl at Riyu. May kausap si Riyu sa phone habang si Karl ay naglalaro sa phone niya.

Heto ako sinusubukan na ma-contact si mom pero mukhang may ibang kausap. 

"Oh, Sai." Ang bati sa akin ni Riyu, napatingala naman si Karl mula sa phone niya saka tumingin sa'kin. "Yo," Bati niya sabay focus ulit sa laro.

Di manlang ako nakabati dahil di na niya ako pinansin. "Who are you talking to?" Ang mahina kong tanong kay Riyu na tumatango-tango, akala mo naman nakikita ng kausap niya sa phone. "Yes mom, Saiki is here with me." Napataas ako ng kilay at pansamantalang tinabi ang phone ko sa bulsa.

Kaya naman pala hindi ko ma-contact si mom dahil kausap na si Riyu. Oh well.

"Here." Ang sabi ni Riyu sabay abot sa akin ng phone niya, Kinuha ko naman ito at nilapit sa tenga ko. "Hello mom?" Ang bungad ko, agad naman ako nakarinig ng pagprirpito. 

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon