THIRTY NINE

40 5 0
                                    




CHAPTER THIRTY NINE | I Love You



Ang sakit ng ulo ko... umagang kay ganda sakit agad ng ulo ang bungad sa akin. Paano ba naman nagising ako ng maaga dahil may nagsisi-sigaw sa labas ng bahay namin, pati mga kapibahay nabulabog. Lola ni Riyu dumaan dito at hinahanap si dad- ilabas daw namin, akala mo naman tinatago namin.

Pag nandito nga siya, hindi mapakali na umalis agad. Hindi namin alam nasaan siya- kahit si Riyu walang ideya.

"Mom, ligo muna ako." Ang paalam ko, tahimik na tumango si mom saka naman nabaling ang tingin ko kay Riyu at sa lola niya na kanina pa masama ang tingin sa amin ni mom. "Whatever you did to my dear son, you will regret!" Ang reklamo niya muli- my dear son pa ang tawag hindi naman niya anak talaga, napalapit lang. Si Agatha ang anak mo hindi si dad.

Tsk.

Hinayaan ko na lang sila at tumungo na sa banyo para maligo dahil may pasok pa ako.





"Saiki!" Ang bati sa akin ni April na kakapasok lang ng classroom. "Laki ng ngiti mo ah?" Ang tanong ni Fate sabay tusok-tusok sa tagiliran ni April. Eto naman si April akala mo sinasapian- grabe kung kiligin. "Memsh, sinundo ako ni Jiro sa bahay, tapos kumain kami sa labas kagabi." Ang kwento niya sabay tabi sa'kin.

"Landi mo." Asar ko. Ngiting-ngiti at hinahawi pa buhok niya- ganda ka girl?

"Hoy! tapos mo na ba mga assignments?" Tanong ni Fate kay April.

She gasps. "May assignments?!" Gulat niyang tanong sabay tayo mula sa tabi ko, agad naman tumawa ni Fate. "Ayan sige, unahin mo pa kalandian mo!" Tuwang-tuwa si Fate, dahil si April ay nagmamadali na para hanapin at sagutan ang mga assignments na sinasabi ni Fate.

"Wala kayong sinabi!" Ang nangingiyak-ngiyak niyang reklamo sa amin. "Hindi ka naman nagtatanong," Ang sambit ko saka siya pinagmasdan habang natataranta na.

"Nandyan na si pres!" Sigaw ng isa naming kaklase. Pres? President? sinong president?

Absent ang class president namin ngayon ah, sinong president naman ang dumayo dito sa klase namin?

Bago pa ako makapagtanong sa kung sino man ang tinutukoy nila, kusang nagpakita at nagpakilala ang taong 'yon. "Good morning, Sa mga hindi pa nakakakilala, ako ang temporary president para sa upcoming grand ball, ako ang nagaayos ng venue, ang kumakausap sa mga guro natin at saka sa principal mismo." Ang pakilala niya.

Siya ba yung pinaguusapan last week na nanalo sa botohan? wala naman ako kinalaman doon, hindi ako tumingin o bumoto- kami ni Fate tinamad na mag-participate.

"Nandito ako ngayon para ipaalam sa inyo sino-sino ang mga naging candidate mula sa secton niyo, para maging isang MC sa grandball, apat po ang magiging MC, dalawa sa mga anunsyo at dalawa rin sa main events." Ang paliwanag niya, lahat naman ay sa kanya ang atensyon. Marami ang may gusto sa grand ball kaya marami rin ang tutok sa mga pinagsasabi tungkol doon.

"Memsh, sana na-nominate ako!" Ang hangad ni April- Bagay naman sa kanya, mabunganga eh.

"Nako wag na! ikaw na lang ang masisisigaw sa venue." Natatawang sabi ni Fate, isa pa to si Fate tuwang-tuwa ngayon, puro tawa. Ang yaman niya ngayon sa tawa, magandang-maganda ata ang paggising niya.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon