FORTY ONE

43 5 0
                                    




CHAPTER FORTY ONE | Outside



"Congrats memsh!" Pagkatapos ng grand ball nagkaroon kami ng one week break, syempre dahil break nga ay nag-aya si Fate na gumala, si April syempre game yan. Si Trisha busy sa trabaho niya, si Ross naman may practice para sa game nila next week.

"Manahimik ka nga, kanina ka pa." Ang angal ko at kinamot yung binti ko dahil nilalamok na kami sa labas. Anong oras na kasi, may naiwan si Fate sa loob ng mall kaya kasama niya ngayon si Karl hanapin.

"Sabihin mo nga sa akin, anong nangyari?" Tanong ni April at sinanggi ang balikat niya sa braso ko. Napairap ako at hinampas ang braso niya gamit ang likod ng kamay ko. "Eto si Sai ayaw magkwento eh, nasaan nga pala si Riyu?" Tanong sa akin ni April at napatingin sa malayo.

"Hindi ko alam, hindi niya sinasagot mga tawag at chat ko, si mom lang kinakausap niya at ayaw naman sabihin ni mom ano ang meron..." Ang paliwanag ko. "Nagaalala na nga ako," Bulong ko. 

"Ha, ano 'yon?" Tanong ni April at tiningnan ako. 

"Wala, sabi ko naiinis nga ako eh." Iwas ko.

Thursday na ngayon, noong Monday okay pa naman kami, Tuesday lang di siya namansin at nagsunod-sunod na... Baka mamaya kung ano ang nangyari sa kanila doon.

"Nahanap ko na!" Rinig namin na sigaw ni Fate saka tumatakbo palabas ng mall kasama si Karl na tawa ng tawa. "Anong meron?" Taas kilay na tanong ni April at nakapamewang pa. 

"Nadapa 'yan!" Tawang-tawa na sabi ni Karl at halos nakahawak na sa tyan kakatawa. "Tuwang-tuwa ka ah," Banggit ko at inakbayan niya naman ako. 

"Sino ba hindi matatawa? buti nga walang nakakita-" Ang asar pa nga niya kay Fate na ang sama na ng tingin kay Karl- mamaya lusaw na ito.

"Oh ano? uwian na?" Tanong ni April. 

"Sige, tinatawagan na rin ako ni Kylie," Paalam ni Karl at agad na lumayo sa akin. 

"Hindi mo hahatid si Saiki?" Tanong ni Fate, masama pa rin ang tingin niya kay Karl. Napalapit naman ulit sa akin si Karl at ngumisi, "Oo nga pala... gabi na," Ang agad niyang pagiwas ng tingin... Hindi ko malaman ano ang meron sa lalake na ito. Naninibago siguro- alam naman namin na hindi siya sanay sa ganitong relasyon... 

Baka nga naninibago.

"Baka naman may side chick ka?" 

April asked, glaring at Karl as she crossed her arms over her chest. I gulped. I felt nervous as goosebumps crawled all over me. Karl shook his head, raising a hand to scratch the back of it.

"U-Uy! wala, masama 'yan," Ang biglang simangot ni Karl. Inakbayan niya ulit ako. "Sige na, hatid ko na si Sai." Ang paalam niya sabay kaway sa dalawa. Oo nga pala, kasama kanina si Jiro pero umuwi nang mas maaga, dahil nasa ospital papa niya.

Sasama sana kami, kaso si Jiro na mismo ang tumanggi at hinayaan na kami gumala, pero nagsabi naman siya noong nakarating na siya sa ospital, pati na rin sa kalagayan ng papa niya.

"Ingat kayo ah!" Ang sabi ni Fate at kumaway-kaway. Hindi sasabay sa amin si April, pupuntahan niya mama niya sa trabaho. SI Fate naman pupunta sa tita niya.

Sa isang linggo na pahinga namin, may kanya-kanya kaming mga lakad. 

I sighed.

Hinila na ako ni Karl, inalis ang braso sa balikat ko saka naman kinuha ang aking kamay para hawakan ng mahigpit. Habang naglalakad, tahimik lang. Magandang tahimik. Medyo madilim ang kalangitan- baka mamaya ay umulan, pero sana naman pauwiin mo muna kami.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon