TWENTY SEVEN

59 6 0
                                    



CHAPTER TWENTY SEVEN | We Still Have A Contract



"I'll see you on the other side Riyu," Ang sabi ko at lumapit kay Karl na nakalahad ang kamay, hindi ko hinawakan o inabot ang kamay ni Karl pero kusa niyang kinuha ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. "Be safe Saiki." Ang paalala sa akin ni Riyu at tinuloy ang daan.

Habang kami ni Karl ay naglalakad ay hawak nIya pa rin ang kamay ko- akala mo naman mawawala ako. "Baka gusto mo akong bitawan?" Ang tanong ko. Imbes na harapin niya ako at bitawan ay lalo niya hinigpitan ang paghawak sa akin.

"Wag na, baka mawala ka pa... baka magbago isip mo at kay Riyu ka sumama." Ang pagdradrama ng loko. "Wag ka madrama dyan." Umirap ako.

Maya-maya pa ay may nakita kaming malaking daan na diretso, mukhang ito nga yung tamang daan. Paglabas na paglabas namin ng makitid na daan ay bumungad si Riyu na kakalabas lang din ng dinaanan niya. "They were both right after all." Ang munting sabi niya, hindi manlang ako nilingon at nagpatuloy sa paglalakad.

"Oh, tampo na 'yon?" Tanong sa akin ni Karl habang nakatingin at nakahawak pa rin sa kamay ko. I shrugged. "Let him be." Ang sabi ko at sinundan si Riyu habang hila-hila ko si Karl. 

"Aba, ikaw naman ang ayaw bumitaw." Ang natatawang sabi ni Karl, napansin ko na ako naman pala ang nakahawak sa kanya ng mahigpit at hila-hila siya. "Baka maligaw ka ulit, ako pa sisihin mo." Ang agad ko na dipensa.









"Alam mo, masaya sana to, kung kasama lang natin si Trish." Ang sambit ni April at ayang-aya na maglaro ng Uno dahil 'yon lang ang dala ni Fate na baraha.

"Gusto mo lang makita si Karl." Ang singit na asar ni Fate kay April habang pinamimigay na niya ang cards namin. Sa totoo lang mas masaya naman kung kumpleto kami, kaso dahil magkaiba kami ng section eh wala kaming magagawa.

"Game na!" Ang sabi ni Fate pagtapos mailapag ang starter card. Pinauna na namin si April dahil halatang atat na atat na ang loka. Sumunod naman si Fate, at ako.

"Alam niyo... pakiramdam ko nagloloko na si Ross." Ang biglang pagbagsak ni Fate sabay sa paglapag ni April ng card. Napatitig kami ni April kay Fate. Huminga siya ng malalim saka naglapag ng reverse card. "Nagloloko saan? okay naman grades niya." Ang sabi ni April sabay tawa ng mahina.

Paglapag ni April ng card ay kumuha naman ako sa stack. 

"Hindi 'yon... ano kasi," Nagdadalawang isip si Fate sa paglalapag ng card, pero nilapag niya pa rin ang plus 4 na card kay April. "Aba!" Ang sambit ni April at sinamaan ng tingin si Fate. Napangisi na lamang si Fate.

"Tingin mo may kabit siya, 'yon ba?" Ang tanong ko pagtapos ko tumira. Marahan siyang napatango at napasinghap si April sa pagtango ni Fate. Agad naman nataranta si Fate at nilakihan ng mata si April. "Wag ka maingay kay Ross o kahit kanino! dahil wala pa akong ebidensya." Ang agad na singit ni Fate kay April bago pa man siya makapagsalita.

"Kung kailangan mo ng tulong nandyan naman si April." Ang sabi saka ko tinuro kay Kaye na titira na. Tumango-tango naman siya saka nag thumbs-up kay Fate na akala mo iiyak na. "Bakit kayo ganyan?" Ang tanong niya at nagiyak-iyakan.

"Hah, ano meron?" Ang tanong ni April. "Wala... ang bait niyo kasi." Ang sabi niya sabay punas ng imaginary niyang luha. 

Napatawa naman si April. "Jusko, si Saiki lang naman ang hindi mabait!" Ang asar sa'kin ni April. Napairap naman ako. "Aminado ako." Ang sagot ko bigla. Napatawa naman si Fate.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon