FOUR

296 10 0
                                    



CHAPTER FOUR | Those Eyes



Pagkamulat ko ng mga mata ko ang bumungad sa akin kaagad ay ang tunong ng cellphone ko, Bumangon naman ako agad at kinuha ang phone ko mula sa table ko.

Binuksan ko ito at bigla naman napalaki ang mata ko sa daming missed calls nila April at Fate.

Saturday nga pala ngayon

Yes! finally rest day!

Biglang may kumatok sa pinto ko, at kasunod non ay ang boses ni Riyu. "Sai, Fate and April are here to see you." Ang sabi ni Riyu sa akin saka umalis mula sa harap ng pinto ko.

I sighed.

Napatayo ako saka tumungo sa pinto, binuksan ko ito at lumabas, syempre dumiretso na ako sa baba sabay sa kusina.

At nakita ko sila doon, kausap si mom, "Hoy tigilan niyo si mom, baka kung ano-ano na sinasabi niyo dyan." Ang sita ko sa kanila, tiningnan naman nila akong tatlo.

Biglang tumawa si mom. "Nako, hindi mo sinabi sa akin anak, close na pala kayo ni Riyu." Ang sambit ni mom. Napataas ang kilay ko bigla. "Huh?!" Irita kong tanong.

Umagang-umaga ng Sabado naiinis ako agad.

"Memsh! gala tayo, libre ko" ang aya ni April, Napairap naman ako. "Buraot ka lang eh!" Sabat agad ni Fate, napatawa naman ako.

"Tama ka, tama!" Ang sang-ayon ko kay Fate, saka naman siya napangiti.

"Mom, I'm heading out." Nilingon ko naman ang biglang sumusulpot na si Riyu sa likuran ko, I smiled. "Saan ka- Where are you going?" Tanong ko.

He smiled back, "Just out." Ang sabi niya sabay kindat sa akin.

"What. The. Hell. Ang pogi niya punyemas!" React agad ni April, napairap na naman ako at hinarap si April, si Riyu ay lumabas na ng bahay pagtapos tumango ni mom.

"Well, tara na! anong oras na my gosh!" Ang aya ulit ni April. "Kayo na lang, wala akong budget ngayon." Ang lusot ko, natawa naman si April.

"Sumama ka na, treat kita kahit ano, promise yan basta sumama ka lang." Ang sabi sa akin ni April saka ako nilapitan at nag puppy eyes si gaga.

"Hindi pa ba sapat sayo si Fate?" Tanong ko sabay turo kay Fate na nananahimik lang sa isang gilid. Napatingin naman bigla sa amin si Fate sabay taas kilay niya.

"Hindi eh! hindi masaya pag wala ka!" Ang inarte ni April, Natawa naman si Fate. "Oo nga, sama ka na kasi Sai." Singit naman ni Fate, aba naman... may sapak itong mga to.

"Sumama ka na anak, maglilinis pa ako ng bahay." Ang sabi sa akin ni mom.

"Edi tutulungan na lang kita dito sa bahay." Ang suggest ko, pero umiling siya sa akin, "Hindi, lumabas ka na, basta sabay kayo ni Riyu uuwi." Ang strict na sabi ni mom.

Medyo ayaw ko talaga lumabas eh, tinatamad talaga ako ngayon, gusto ko lang humiga sa kama or kaya naman manood lang ng movies, pwede rin kumain na lang, or mas maganda ay matulog!

"Sige na bilisan mo na Saiki, maligo ka na at magbihis, bago pa kita palayasin ng pilitan." Ang sabi bigla sa akin ni mom at tinulak ako paalis ng kusina.

Tumawa naman sila April at Fate, "Sana ganyan sa akin si mama, pero hindi eh! nagagalit pa pag lumalabas akong bahay." Ang share ni April sabay tawa pa rin.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon