FORTY TWO

40 6 0
                                    




CHAPTER FORTY TWO | Untold Stories



Sat on the swing, my ass feeling the cold, hard surface. My hands grasping for the chains that held the swing.

"Nagsisisi na ako," Ang nanginginig na sabi ni Karl habang nakatingin sa araw. 

"Bakit?" Tanong ko habang patuloy sa mahinang pagduyan. 

"Ang lamig pa rin," Napataas ako ng kilay. Hindi naman ako nilalamig, ano naman ang nangyari dito? "Nilalagnat ka ba?" Ang tanong ko, pero umiling naman ito.

"Lumapit ka nga dito, baka nilalagnat ka na-" Ang sabi ko. He pouted and walked towards me walking slow. 

"H-Hindi naman..." Ang iwas niya ng tingin, nilapat ko ang likod ng kamay ko sa noo niya para pakiramdaman kung mainit ito o hindi, sandalian ko ito pinakiramdaman hanggang sa siya na mismo ang lumayo, umatras siya at tiningnan ako. 

Hindi pa nga nagsisimula date namin... "Should we head home?" Ang tanong ko, umalis ako sa swing saka naman siya nilapitan. 

Slipping my hand down casually to intertwine with his as he leaves a few inches for distance. "I'm sorry," Napatingin ako sa kanya habang siya ay nakatingin sa nilalakaran namin. "Bakit?" Tanong ko. 

"You don't feel well, you don't need to be sorry for that." Ang dagdag ko. Agad niya ako tiningnan na parang nagaalala.

"Baka iniisip mo hindi ako seryoso... may plano talaga ako promise!" Ang depensa niya, napatawa naman ako. Bakit ko naman iisipin 'yon? anong maggaawa ko kung masama ang pakiramdam mo? ayoko naman mamilit. "It's fine, re-schedule na lang ang date, magpahinga ka na lang muna." I said while swinging our intertwined hands back and forth.

"Sure ka?" Ang tanong niya. Ilang ulit ba ang gusto mo Collins? sabi na okay lang, naiintindihan ko naman. 

"Oo nga, ang kulit ah!" Ang sabi ko at natawa naman siya.






"Memsh naman kasi, bakit ba ayaw mo ako samahan?" Bungad sa akin ni April pagpasok pa lang ng bahay, may maliit na party na naman sa bahay ng isa sa mga kaibigan ni April, ako na naman ang sinasama dahil nasa probinsya pa daw si Fate, si Trisha naman may trabaho. 

"Bakit ba hindi si Jiro ang ayain mo?" Tanong ko.

Kanina pa siya chat ng chat sa akin, paulit-ulit ang tanggi ko at sabi ko na si Jiro na lang ang ayain, wala naman siya mahanap na palusot- ang hula ko magkaaway ang dalawa.

"Ikaw gusto ko kasama!" Ang kunwaring pagmaktol niya. Napahilamos ako ng mukha saka naman umupo sa sofa. Wala ulit si mom dahil may nilalakad na papeles at trabaho, si Riyu naman busy nagaaral ng Tagalog. Hindi ko malaman ano naman ang gagawin ko dito sa bahay mag-isa, pero ayaw ko rin naman lumabas at pumunta sa mga bongga na party. "Memesh, dali na, please?" Ang makaawa ng aking kaibigan na kating-kati magpakasaya sa buhay.

"Malayo ba?" Ang tanong ko, hindi sa gusto ko pumunta o pumapayag na ako- gusto ko lang malaman at baka pagisipan ko.

"Malapit sa bahay nila Ross." Ang sabi niya, nakangisi at parang pag pumayag ako ay dadaganan ako sa tuwa- pero pag di ako pumayag ay sasakmalin naman ako. Jusko.

A Contract of a CheaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon